Putik na bumalot sa Rizal, ginagamit ng artist sa pagpinta ng artworks for a cause

Imahe mula sa Facebook | Banjo Magnaye
  • Ginamit ng isang artist ang mga putik na bumalot sa Montalban, Rizal nang manalasa ang bagyong Ulysses upang matulungan ang mga residente roon
  • Gumawa siya ng mga artwork gamit ang putik at ang pagbebentahan nito ay idodonate nila sa nangangailangan
  • Pangako niya, makararating sa mga residenteng nangangailangan ang mga tulong na ipagkakaloob sa kanila

Mismong ang mga putik na bumalot sa Montalban, Rizal nang manalasa ang bagyong Ulysses ang ginagamit ngayon ng isang artist upang makatulong sa mga residente doon na naapektuhan ang buhay dahil sa bagyo.

Imahe mula sa Facebook | Banjo Magnaye

Ibinahagi ng artist at YouTuber na si Banjo Magnaye ang naisip niyang paraan upang makalikom ng tulong para sa mga kababayan.

Madalas na gumagawa si Banjo ng artworks base sa mga lugar na kaniyang napupuntahan kaya naman personal siyang pumunta sa Rizal upang iguhit ang kasalukuyang lagay ng mga taga-roon na hindi pa tuluyang nakababangon mula sa epekto ng bagyo.

“Personal na pinuntahan namin ang isa sa mga lugar na lubhang napinsala ng Bagyong Ulysses. Nasaksihan namin ang hirap na dinanas ng mga taong nakatira sa Montalban. Marami ang nawalan ng tirahan,” ani Banjo.

Kaya naman daw naisip nila na sumubok ng bagong paraan ng pagpipinta.

Imahe mula sa Facebook | Banjo Magnaye

“Taliwas sa aming tipikal na ginagamit kapag nagpipinta, putik mismo sa lugar ang ginamit namin sa aming ginawang obra,” sabi ni Banjo.

Ngayon ay ibinebenta nila ang mga 10″x 15″ paintings na ito at ang mapagbebentahan ay itutulong nila sa mga nasalanta.

“Lubos na hindi pa nakaaahon ang mga tao sa naging pinsala ng nakaraang bagyo kaya kumakatok kami sa mga tao na gustong mag-donate o bilhin itong munti naming obra na ipinta sa mismong lugar gamit ang putik,” pahayag ng artist.

Nangako rin siya na makararating ang tulong sa mga nangangailangan.

Maaaring magpadala ng tulong sa GCash account ni Arnold Gonzales sa 09565105350.

Source :

Facebook

Loading…