QC ordinance na nagbabawal sa menor de edad na lumabas 24/7 masama sa kalusugan ng mga bata

Imahe mula sa Quezon City Task Force Disiplina
  • Nakiusap ang isang children rights group sa Quezon City Government na review-hin ang ordinansa nito na nagbabawal sa mga menor de edad na lumabas ng bahay 24/7
  • Sa halip na proteksyon, makasasama umano ang ordinansa sa physical at mental health ng mga bata
  • Ang ordinansa ay isang paglabag daw sa karapatan ng mga bata na maglaro at maglibang batay sa United Nations Convention on the Rights of the Child

Nanawagan sa lokal na pamahalaan ng Quezon City (QC) ang Child Rights Network (CRN) Philippines na suriing muli ang bagong ordinansa na ipinatutupad nito na nagbabawal sa mga menor de edad na lumabas ng kanilang tahanan sa lahat ng oras araw-araw o 24/7.

Imahe mula sa CRN Philippines

Ayon sa organisasyon, makasasama iyon sa physical at mental health ng mga bata.

“Rather than a punitive approach, the QC government should strengthen preventive and protective measures, such as, online sessions on covid-19 prevention for those found loitering in public places with no valid purpose/s,” ayon sa CRN.

Ang ordinansa, na naglalayong mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, ay isa umanong paglabag sa karapatan ng mga bata na maglaro at maglibang batay sa United Nations Convention on the Rights of the Child.

“While we recognize deeply that the raging pandemic requires all citizens to practice stringent health protocols, it should not translate to a situation wherein we confine children 24 hours a day and seven days a week, without even a minute of legroom. This will soon prove to be detrimental to their physical and mental health,” sabi pa nito.

Imahe mula sa CRN Philippines

Sa pag-review ng ordinansa, dapat umanong sumangguni ang Quezon City government sa mga organisasyong eksperto sa mga karapatan ng bata, sa Philippine Pediatric Society, at sa mga sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at World Health Organization.

Hinikayat din ng CRN ang Quezon City government na makipagdayalogo sa mga children rights groups upang plantsahin ang mga isyu o mga posibleng kahinatnan dahil sa ordinansa na sa kanilang pananaw ay may malaking potensyal na ilagay sa panganib ang mga bata sa halip na maprotektahan sila.

Imahe mula sa Quezon City government

Loading…