Ray-An Fuentes gumaling na sa COVID; subalit misis niya hindi pinalad na makaligtas

Imahe mula sa Facebook-Ray Ann Fuentes
  • Gumaling na sa COVID ang beteranong singer na si Ray-An Fuentes
  • Subalit hindi pinalad ang kaniyang maybahay na namaalam na sa mundo nitong Linggo
  • Labis ang pagdadalamhati ng singer at ng kaniyang pamilya dahil sa malungkot na nangyari

Makaraan ang ilang linggong pakikipaglaban sa virus, gumaling na ang beteranong OPM singer na si Ray-An Fuentes.  Subalit hindi pinalad na makaligtas ang kaniyang maybahay na namaalam na nitong Linggo, Disyembre 27, dahil sa COVID-19.

Sa Facebook, ibinahagi ni Ray-An ang kaniyang pagdadalamhati dahil sa pagkawala ng kaniyang misis na si Mei-Ling na hindi na nakalabas ng ICU simula nang ipasok sila nang halos magkasunod nitong unang linggo ng Disyembre.

Screeshot mula sa Facebook

“MY SWEETIE HAS GONE HOME!  FOR GOOD. We finally just had to release her to the Lord because the other possible reality is brain damage.  We didn’t want her to suffer anymore,” anang premyadong OPM veteran.

“I AM SOOO HEARTBROKEN. THIS IS SOOO PAINFUL,” patuloy pa ni Ray-An. “Many many thanks to EVERYONE for your earnest and steadfast intercession.  We are truly grateful!”

Magugunitang sabay-sabay na dinapuan ang mag-asawang Ray-An at Mei-Ling at ang kanilang tatlong anak na sina Daniella, Miguel, at Julio ilang linggo na ang nakararaan.

Imahe mula sa Facebook-Ray Ann Fuentes

Bagama’t agad ding gumaling ang kanilang mga anak, nahirapan ang mag-asawa dahil pareho na silang senior citizen.

Kinalaunan ay bumuti rin ang kalagayan ni Ray An at nakalabas ng ospital nitong Disyembre 20. Subalit naiwan sa ICU si Mei-Ling na lalo pang lumala ang kalagayan nang mga sumunod na araw hanggang sa kaniyang pagpanaw nitong Linggo.

Ibinahagi rin dati ng singer na hindi magiging masaya ang kanilang Pasko ngayong taon dahil sa kanilang pinagdaraanan.

Imahe mula sa Facebook-Ray Ann Fuentes

“But the Fuentes’ fam is not going to have a “merry” Christmas this year.  Never entered our minds that it would be like this this year.  My precious wife and mother of my sons and daughter is going to spend it in the ICU,” ayon kay Ray An sa kaniyang naunang Facebook post.

Si Ray-An ay nakilala sa ilang kantang sumikat tulad ng “Umagang Kay Ganda” kasama ni Tillie Moreno. Iniwan niya ang local showbiz noong 1988 at nag-migrate sa Canada kasama ang kaniyang pamilya taong 1997.

Loading…