Relokasyon ng mga residente sa Bulacan dahil sa SMC projects matagumpay; binigyan pa ng trabaho

  • Naging matagumpay ang relokasyon ng mga pamilya sa Sitio Kinse ng Barangay Taliptip sa Bulakan, Bulacan
  • Nailipat na sila sa Barangay Bambang at naibigay na ang mga titulo ng lupa sa kanila, sa inisyatiba ng San Miguel Corporation na siyang namamahala sa pagtatayo ng paliparan sa naturang lugar
  • Bukod dito, binigyan din ng trabaho ang ilang mga residenteng nakapasa sa TESDA trainings

Masayang ibinalita ng San Miguel Corporation o SMC na naibigay na nila ang mga titulo ng lupa sa mga dating residente ng Sitio Kinse sa Barangay Taliptip sa Bulakan, Bulacan na ngayo’y nailipat at nakatira na sa Barangay Bambang sa naturang lalawigan. Ito ay dahil sa proyekto ng SMC na maipatayo ang “New Manila International Airport” sa naturang lugar.

Binigyan din nila ng trabaho ang ilan, lalo na ang mga nakapasa sa TESDA trainings para sa kanilang Tullahan river dredging project, at sa susunod naman ay ang Bulacan at Pasig River dredging initiatives.

Makikita ito sa kanilang opisyal na Facebook post sa kanilang page.

Imahe mula sa Facebook page ng SMC

“The first batch of former Taliptip residents who recently graduated from our TESDA training on Heavy Equipment Operation have been deployed to our Tullahan river dredging project and soon, our Bulacan and Pasig rivers dredging initiatives,” anila.

“This will enable them to master their skills and prepare them for future jobs at our airport project. By giving them a chance to improve themselves and make a living, we hope to create a lasting, positive impact on their lives,” dagdag pa nila.

Samantala, makikita sa rin sa kanilang Facebook page ang update hinggil naman sa kanilang sustainable housing community sa Sariaya, Quezon. Bukod sa magagandang mga pabahay, binigyan din sila ng magagandang mga pasilidad at oportunidad upang makapagtrabaho at mahubog ang kanilang mga kasanayan upang makatulong sa kanilang paghahanapbuhay.

“Families relocating to our sustainable housing community in Sariaya, Quezon are not only moving into climate-resilient homes. They are joining a community where they are provided the facilities and opportunities to improve their livelihoods, primarily fishing and farming; gain new skills for employment, and build better lives for the long-term.”

Public Domain Image

Maraming salamat, SMC, at nawa ay magpatuloy pa ang inyong magagandang adhikain!

Loading…