Researcher ng UST may mungkahi; gawing yeast drink ang COVID-19 vaccine para mabilis maipamahagi

  • Kailangan daw mag-develop ng oral vaccine para sa COVID-19
  • Ito raw ay magiging “yeast-based oral vaccine” na kahalintulad ng isang sikat na Japanese milk drink
  • Panukala ito ng isang Dominikanong pari at molecular biologist mula sa UST

Iminungkahi ng isang local scientist-priest sa University of Santo Tomas o UST ang pagbuo ng oral vaccine para sa COVID-19 upang mas mabilis itong maipamahagi sa publiko sa malapit na hinaharap.

Ayon sa opisyal na Facebook page ng UST,  ang kanilang team ay nagpaplanong bumuo ng yeast-based vaccine na mas accessible sa mga Pilipino.

Public Domain Image

“Our very own UST Department of Biological Sciences Visiting Professor Fr. Nicanor Austriaco, O.P., PhD, SThD is bringing his molecular biology expertise into the fight against COVID-19, with a project on yeast-based oral vaccine for Filipinos,” ayon sa pahayag ng UST.

Natuwa rin ang “Millennial Catholics” sa initiatives na ito ng kanilang team.

“Catholic church against Science? It’s a big X (emoticon ng ekis). Now look at Fr. Nicanor Austriaco. A Dominican priest  and a Molecular Biologist, ” ayon sa kanilang post.

Ano nga ba ang  yeast-based vaccine?

Kung mapagbibigyan, ito ay maihahalintulad sa produktong “Yakult,” sikat na Japanese milk drink.

“The goal here is that if we are able to develop this oral vaccine, then we would make something like Yakult. You will just take the yeast and you would drink the yeast every day,”  saad ng pari sa panayam ng The Varsitarian, ang opisyal na pahayagang pampaaralan ng UST.

Aminado naman ang pari na ito ay tila “sounds crazy”  subalit wala naman daw masama kung susubukin.

Public Domain Image

“My own laboratory has started a project to try to develop a yeast-based oral vaccine for the Filipino people because I have become so frustrated with the costs as well as for the necessities for refrigeration for many of the modern vaccines being developed in the West,” saad niya.

Si Fr. Nicanor Austriaco ay kasapi rin ng OCTA Research Team ng University of the Philippines.

Loading…