Richard Yap pumirma na ng kontrata sa GMA bilang bagong Kapuso artist

Screenshot mula sa Instagram/Richard Yap
  • Lumipat na sa bakuran ng Kapuso network si Richard Yap
  • Pormal na itong pumirma ng kontrata nitong Miyerkules
  • Malaki naman ang pasasalamat ni ‘Sir Chief’ sa pag-welcome sa kaniya ng GMA

Tuluyan nang iniwan ni Richard Yap ang bakuran ng ABS-CBN at lumipat na sa GMA bilang pinakabagong talent ng Kapuso network.

Nitong Miyerkules, Disyembre 16, ay pumirma na ng kontrata si Yap bilang bahagi ng GMA Artist Center na dinaluhan nina GMA Artist Center Senior Talent Manager Joy Marcelo, Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, at co-manager Kate Valenzuela.

Screenshot mula sa Instagram/
kapusoprgirl

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang dating Kapamilya actor dahil hindi umano niya inaasahan na darating ang araw na ito.

Dati na raw kasi siyang inalok ng proyekto ng GMA subalit hindi niya ito tinanggap dahil busy pa siya noon.

“I was offered a project before, a year ago, but we weren’t able to do it because I was doing another show so I thought,  you know, we wouldn’t get the chance,” bahagi ni Yap.

“But here we are now and it’s really happening, so I’m really very thankful to be here and very grateful that I have been welcomed into the GMA family,” masayang pahayag pa nito.

Screenshot mula sa Instagram/Richard Yap

Noong nakaraang taon pa pinag-uusapan ang napipintong paglipat ni Yap sa kabilang network bagama’t hindi niya ito kinumpirma o itinanggi.

Si Yap ay nagsimula bilang modelo at unang sumabak sa telebisyon bilang ama ni KimChiu sa ‘My Binondo Girl’ ng ABS-CBN taong 2011.

Subalit higit siyang nakilala bilang si ‘Sir Chief’, ang amo at love interest ni Jodi Sta. Maria sa hit series na ‘Be Careful With My Heart’ na tumagal ng dalawang taon sa ere; simula July 2012 hanggang November 2014.

Huli siyang napanood sa ABS-CBN program na ‘Kadenang Ginto’ na pinagsamahan nila nina Dimples Romana at Beauty Gonzalez noong 2018.

Loading…