Roque nadala na sa mga pagtitipon; may kondisyon bago tumanggap ng imbitasyon sa events

Imahe mula sa PCOO
  • Nadala na sa pagdalo sa mga pagtitipon si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos niyang mabatikos
  • May kondisyon na siyang hinihingi bago tanggapin ang imbitasyon sa mga events
  • Kailangan daw na iobserba ng mga dadalo sa okasyon ang social distancing at iba pang health protocols

Isang leksyon ang natutunan ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos niyang mabatikos sa dinaluhan niyang pagtitipon kamakailan lang sa isang bayan sa Cebu kung saan ang ipinatutupad na physical distancing para maiwasan ang COVID-19 transmission ay hindi nasunod.

Imahe mula sa DYLA Cebu Facebook page

Ang pahayag ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kasunod ng sinabi ni Department of Interior and Local Government Undersecretary and spokesperson Jonathan Malaya na dapat magpakita ng magandang halimbawa sa mga tao ang mga government officials sa pagsunod sa health protocols.

“Tama po siguro ‘yan. Lesson learned na po ‘yan,” ani Roque sa isang press briefing habang nasa Palawan siya para i-promote ang local tourism.

At dahil sa nangyari ay magiging maingat na raw siya sa mga pagdalo sa mga events. Sa katunayan ay may hinihingi na siyang kondisyon bago tanggapin ang imbitasyon sa kanya – dapat daw ay iobserba ng mga dadalo sa pagtitipon o okasyon ang social distancing at iba pang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield.

“Kaya po noong pumasok tayo dito sa Palawan, ipagpaumanhin n’yo po, we demanded everyone should observe social distancing,” aniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Harry Roque

Ganito na rin umano ang hihingin niyang kondisyon sa dadaluhan pa niyang mga pagtitipon.

Matatandaang, kumalat ang ilang larawan ng event sa Bantayan Island kung saan ang mga taong nakikinig sa pagsasalita ni Roque ay nagsisiksikan.

Ipinaliwanag niya na bilang bisita ay wala siyang kontrol sa mga taong inimbitahn ng mga local officials na nag-organisa ng event. Sinabi rin niyang pinagsuot niya ng face mask ang mga tao.

Imahe mula sa DYLA Cebu Facebook page
Source :

Inquirer, Remate

Loading…