RT-PCR test kits na donasyon ng RITM sa Baguio, expired na raw?

Screenshot mula sa PTV News video
  • Inirereklamo ni Baguio City Mayor Magalong na expired na ang karamiihan sa mga RT-PCR test kits na donasyon mula sa RITM
  • Noong October 16, 2020 umano ipinadala ng RITM sa isang private diagnostic center ang mga test kits
  • Sinabi ni Mayor Magalong na ang ibang test kits ay expired na noon pang October 10 at 15 at ang iba ay nag-expire noong Nobyembre

Idinulog ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa Department of Health at sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang mga reverse transcription- polymerase chain reaction (RT-PCR) test kits na donasyon mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na expired na.

Screenshot mula sa PTV News video

Ayon kay Mayor Magalong, nag-donate ang RITM ng 50,000 RT-PCR test kits sa isang private diagnostic center, ngunit nang gagamitin na ito ay nalamang expired na ang marami at ang iba ay malapit na ang expiry date.

“Bakit ganoon? Naghahanap tayo ng test kits. Bakit biglang nag-donate ang RITM nang napakarami? And I surmise na hindi lang hundreds of thousands iyan. Most probably, mas mataas pa,” sabi ng alkalde.

Anang Baguio City mayor, ang mga RT-PCR test kits ay ibinigay ng RITM sa diagnostic center noong ika-16 ng Oktubre 2020, subalit isang libong piraso lang ang nagamit dahil ang iba sa mga ito ay expired na noon pang October 10 at 15. Ang iba naman ay nag-expire noong Nobyembre.

“Meron pa nga October 10, October 15 nag-expire na. Doon kami nagtataka and we’re raising hell,” pahayag ni Magalong.

Screenshot mula sa PTV News video

Sinabi pa ng mayor na may ilang local government units din ang nabigyan ng RT-PCR test kits na malapit nang mag-expire.

Source :

Remate, YouTube

Loading…