Rubberized batuta gustong ipagamit ni Pangulong Duterte sa PNP cops

Imahe mula sa UNTV
  • Nais ibalik ni Pangulong Duterte sa kapulisan ang paggamit ng batuta
  • Ayaw ng Pangulo ng batutang yari sa kahoy, ang gusto niya ay rubberized
  • Naungkat ang tungkol sa batuta kasunod ng report ni DILG Sec. Año na gumagamit ng yantok ang mga pulis upang ipatupad ang social distancing

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling pagamitin ng batuta ang Philippine National Police (PNP), na dati ay kasama sa opisyal na uniporme ng kapulisan.

Imahe mula sa Pixabay

Sa pagharap niya sa publiko sa pamamagitan ng televised press briefing, sinabi ng Pangulo na magagamit ng mga law enforcers ang batuta upang sawatahin ang mga suspek na nagpupumiglas at ayaw magpadala sa presinto.

“Pagka gano’n, pinalo ka na ng pulis kasi ayaw mo sumama… Puwede kang paluin ng pulis sa paa then he must bring you to the station. That is the duty of the police, to insist,” anang Pangulo.

Ipnagtataka raw ni Pangulong Duterte kung bakit hindi na gumagamit ng batuta ang mga law enforcers. Ito raw ang first line of defense nila.

“Alam mo, nagtaka talaga ako kung bakit ito tinanggal. Bakit nawala ito na dapat ito ang first line of defense ng pulis?” tanong ng Presidente.

Ang ideya ng Pangulo na ibalik ang batuta ay naungkat kasunod ng report sa kanya ni Department of Interior and Local Government Secretaty Eduardo Año na gumagamit ng mga yantok ang mga pulis upang ipatupad ang physical distancing sa publiko. Ang yantok sticks na isang metro ang haba ay ginagamit na panukat sa distansya ng mga tao sa isa’t isa.

Screenshot mula sa GMA video

Sinabi ng Pangulo na ayaw niya ng batuta na yari sa kahoy. Rubberized ang gusto niya.

“We’ll look for the money next year, I’ll buy you the baton… ‘Yung batuta, ibalik ko siguro. But I do not want ‘yung kahoy. It can break the bones inside the body. ‘Yung ano lang, rubber,” wika ni Pres. Duterte.

Loading…