Sakristang may down syndrome na naglilingkod sa simbahan kinalugdan

  • Kinalugdan ng mga netizens ang isang sakristan sa Bohol
  • Siya kasi ay may Down Syndrome
  • Marami ang pumuri sa naturang sakristan dahil pinatutunayan daw niya na hindi hadlang ang anumang kalagayan sa buhay upang hindi makapaglingkod sa Diyos

Hindi hadlang ang kahirapan o kalagayan sa buhay ng isang taong may pagpupursige at determinasyon upang magawa ang mga bagay na sa tingin niya ay magbibigay ng kaganapan o self-actualization ng kaniyang eksistensiya sa daigdig, lalo na kung ito ay paglilingkod sa Diyos.

Kagaya na lamang ng isang sakristang itinampok sa Facebook page na “Kuya CFD” na naglilingkod sa simbahan, s akabila ng pagkakaroon niya ng “Down Syndrome.” Ayon sa Facebook post, naganap ito sa isang misa sa isang simbahan sa Bohol.

Public Domain Image

“He is a man with Down Syndrome serving as a sacristan in Bohol. Si Kuya ang patunay na hindi hadlang ang iyong kapansanan upang pagbawalan kang maglingkod sa Diyos, sa halip gamitin mo ang iyong sarili bilang instrumento upang bigyang inspirasyon ang mga tulad mo, na sa gitna ng kadiliman, pagsubok at kawalan ng pag-asa, may Diyos na nakakapitan na laging nating kasama,” ayon sa caption.

Nalugod naman ang mga netizens sa naturang sakristan.

“Ang kapansanan ay kailanman hindi excuse para hindi makilala ang Diyos. Lahat tayo ay obligadong makilala at mapaglingkuran siya sapagkat tayo ay mga anak niya. May God bless us all,” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Good job kuya, kalugod-lugod sa Diyos ang iyong ginagawa. Proud of you. God bless!”

“Ako nga rin po may kapansanan din po ako pero hindi naman po hadlang ang kapansanan para maglingkod sa ating Diyos,” saad naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Nakakatuwa rin na mayroong PWD ministry sa isang parish church na ang layunin ay turuan ang mga PWD na magdasal at kilalanin ang Diyos.”

Pub;ic Domain Image

Ayon sa mga eksperto, ang Down Syndrome o kilala rin sa tawag na trisomy 21, ay isang “genetic disorder caused by the presence of all or part of a third copy of chromosome 21. Sinomang may kalagayang ito ay may physical growth delays, mild to moderate intellectual disability, at characteristic facial features.

Loading…