Saudi Arabia nagbigay ng $500K (P24-M) sa Red Cross para sa rehabilitasyon ng Marawi

Imahe mula sa Wikipedia
  • Nagbigay ng donasyong halos $500,000 ang Saudi Arabia para sa pagbangon ng Marawi City
  • Ang donasyon ay ibinigay sa Philippine Red Cross, ayon kay Senador Richard Gordon
  • Isa lamang umano ito sa maraming tulong na naibigay ng Saudi sa PRC

Nakatanggap ng donasyong nagkakahalaga ng $495,865 o halos P24-M ang Philippine Red Cross (PRC) mula sa King Salman Humanitarian Aid and Relief Center ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA) bilang tulong sa patuloy na pagbangon ng Lungsod ng Marawi.

Ang virtual na paglagda ng kasunduan ay nilahukan nina PRC chairperson at Senador Rchard Gordon, Saudi Ambassador to the Philippines Dr. Abdulah Al-Bussairy, Supervisor General ng  King Salman Humanitarian Aid and Relief Centre na si Dr. Abdullah Al Rabeeah at iba pang Saudi officials na ginanap noong Nobyembre 30.

Imahe mula sa PRC

Sa nasabing pulong, inalala ni Dr. Al Rabeeah, isang surgeon, na siya ang nag-opera noon para mapaghiwalay ang conjoined twin na sina Princess Mae and Anne. Ang insidente umano ay lalo pang nagpatibay sa relasyon ng dalawang bansa.

“Certainly, an organization such as yours would not function well unless you have the leadership of people like you and I am glad to know that Doctor Abdullah Al Rabeeah, himself participated in an act of supreme humanitarianism by separating the conjoined twins. Not only do I appreciate and admire your skill but certainly your heart is good and in the right place. Certainly, humanitarian works uplift the dignity of the people and alleviate human sufferings,” ani Gordon.

Sa isang panayam, ibinahagi ng senador na maraming beses nang nakatanggap ng tulong ang PRC mula sa Saudi Arabia at itong P24-M nga ang pinakahuli.

Marawi City| Imahe mula sa The Straits Times

Kabilang na rito ang mahigit sa 40 proyektong sinuportahan ng Saudi sa pamamagitan ng donasyong nagkakahalaga ng $45-M.

Makaraan ang tatlong taon simula nang lusubin ng teroristang grupo ang Marawi, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa tuluyang nakarerekober ang lungsod sa Mindanao.

“With the help of King Salman Humanitarian Aid and Relief Center, PRC is ready to assist in the rehabilitation of Marawi City,” ayon pa kay Gordon.

Source :

PNA, Remate

Loading…