SB19 gumawa ng record bilang unang Filipino group na pumasok sa Billboard Top Social 50 artists chart

Imahe mula sa Instagram page ng SB19
  • P-pop group SB19 pasok sa Top Social 50 Artists 2020 ng Billboard
  • Gumawa ng record ang SB19 bilang kauna-unahang South East Asian artists na napabilang sa top 10 ng nabanggit na Billboard chart
  • Nasa ika-anim na puwesto ang SB19 sa Top Social 50 kung saan ang K-pop group na BTS ang number 1

Gumawa ng kasaysayan ang Pinoy Pop (P-Pop) group na SB19 bilang isa sa pinakapopular na artists sa social media sa buong mundo matapos pumasok sa ika-anim na pwesto sa Top Social 50 Artists of 2020 ng Billboard.

Imahe mula sa Instagram page ng SB19

Hawak ng P-pop group ang record bilang kauna-unahang artists mula sa South East Asia na napabilang sa Top Ten ng naturang Billboard chart.

Ang mga artists na nasa una hanggang ika-limang pwesto ayon sa pagkakasunud-sunod ay ang BTS, EXO, NCT 127, Ariana Grande, at Seventeen. Ang nasa ika-pito hanggang ika-sampung pwesto anaman ay ang Tomorrow x Together, Ateez, Blackpink at si Billie Eilish.

Ang ranking ng Billoard Top Social 50 chart ay batay sa bilang ng fans at followers at page views sa social media, YouTube at iba pang streaming sites.

Masayang ibinahagi ng SB19 sa Twitter ang karangalang nakamit.

“Thank you for the [email protected] And of course, to our beloved A’TIN, thank you for all the unimaginable plot twists in our life. Too grateful to have you. Stay amazing guys.” Tweet ng P-Pop group.

Imahe mula sa Billboard

Ang A’TIN na nabanggit ng grupo ay ang tawag sa mga fans ng grupo. Paliwanag ng lider ng SB19 na si John Paul Nase o Sejun, kung wala ang mga fans nila ay hindi sila magtatagumpay.

“Kung walang A’TIN (18) ay walang 19 (SB19),” ani Sejun sa mga naunang panayam.

Ang grupo ay binubuo nina Sejun, Josh, Ken, Stell at Justin.

Imahe mula sa Instagram page ng SB19

 

Source :

YouTube, MSN

Loading…