Sec. Año inaming may ‘lapses’ sa mga event na dinaluhan nina Pacquiao at Roque

Mga imahe mula sa Facebook
  • Inamin ni Sec. Año na hindi nasunod ang social distancing sa mga pagtitipong dinaluhan nina Pacquiao at Roque
  • Gayunpaman, hindi pa umano niya natatanggap ang ulat ng PNP tungkol dito
  • Kapwa nabatikos sina Pacquiao at Roque dahil sa mga larawang kumalat na kuha sa nasabing event

Inamin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na may mga naging pagkukulang para ipatupad ang physical distancing sa event na magkahiwalay na dinaluhan nina Senador Manny Pacquiao at Presidential Spokesperson Harry Roque kamakailan.

Nabatikos kamakailan sina Pacquiao at Roque matapos kumalat ang larawan ng mga nabanggit na pagtitipon kung saan makikitang maraming tao ang dumalo at wala na halos social distancing habang ang iba ay hindi nakasuot ng face mask.

Imahe mula sa PNA

“Obviously, mayroong lapses pa rin dito. Kasi dapat talaga prepared ka sa ganyang event, dapat you do not ever allow people to violate otherwise, stop the event right at that time,” ani Año sa panayam ng CNN Philippines nitong Huwebes.

Ganunpaman, hindi pa umano niya natatanggap ang report mula sa PNP tungkol sa ginawang imbestigasyon nito sa dalawang kontrobersiyal na event.

“‘Yung formal report ni [PNP chief Police] General [Debold] Sinas wala pa sa table,” ayon kay Año.

Imahe mula sa Twitter

Nauna nang sinabi ni Sinas na natapos na nila ang imbestigasyon at nakatakda nang ibigay sa DILG chief ang kanilang report.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Año ang public officials na iwasan na munang tumanggap ng imbitasyon lalo na kapag maraming tao ang inaasahang dadalo.

Mas maganda umano na magsilbi silang mga role models at tanggihan na lamang ang mga imbitasyong maging guest speakers.

Imahe mula sa CNN Philippines

Si Pacquiao ay namigay ng tulong sa mga nasalanta ng Bulkang Taal sa Batangas kamakailan, habang si Roque naman ay dumalo sa isang event sa Cebu ilang linggo na ang nakararaan.

Kapwa nakita sa mga larawan na hindi na nasunod ang social distancing ng mga taong dumalo dito.

Loading…