Sekyu na nag-bike ng halos 5 kilometro para isauli sa may-ari ang naiwang pitaka, reregaluhan ng kotse

Imahe mula sa GoFundMe
  • Reregaluhan ng kotse ang isang sekyu na nagpakita ng kabutihan sa kapwa
  • Halos isang oras nagbisikleta sa kalsadang paahon ang sekyu upang isauli sa may-ari ang pitaka na naiwan nito sa grocery
  • Ipinost ng may-ari ng pitaka sa Facebook ang kabutihang ginawa ng sekyu na pinuri ng maraming netizens
  • Isang netizen ang gumawa ng GoFundMe campaign para makalikom ng $5,000 na ipambibili ng used car para iregalo sa sekyu na 5 years nang nagbibisikleta sa pagpasok sa trabaho
  • Umabot na sa halos $25,000 ang nalilikom ng kampanya

Nagtulung-tulong ang maraming donors upang makalikom ng halaga para ipambili ng isang sasakyan na ireregalo nila sa isang security guard na nagpamalas ng kabutihan sa kapwa.

Imahe mula sa Facebook account ni Aina Townsend

Noong isang linggo ay nagulat si Chloe Marino nang kumatok sa kanilang pintuan si Aina Townsend para isauli ang pitaka niya na naglalaman ng cash at mga bagay na importante sa kanya. Hindi niya namalayan na naiwan niya iyon sa grocery store kung saan security guard si Townsend.

Halos isang oras nagbiskileta sa kaldsadang paahon si Townsend upang marating ang bahay ni Chloe Marino sa Waiehu, Hawaii.

Humanga si Chloe Marino at ang asawa niyang si Gray kaya ipinost nila sa social media ang kabutihang ipinakita ng sekyu.

“He literally rode his bicycle to return her wallet. Completely full of everything important to her including cash. Nothing was so much as moved,” post ni gray sa Facebook noong December 14.

Pinuri si Townsend ng mga kaibigan ni Gray, kabilang na si Greg Gaudet na gumawa ng GoFundMe campaign upang subukang makalikom ng $5,000 na ipambibili ng used car at ireregalo sa sekyu bago dumating ang Bagong Taon.

Imahe mula sa Instagram account ni Chloe Marino

“Gray and I would like to raise $5,000 so we can buy Aina a used car before New Years, 1/1/21. It’s probably a long shot, but he deserves it, and Gray and I will be the first to contribute,” sabi ni Gaudet sa GoFundMe campaign na sinimulan niya.

Nagulat si Gaudet sa dami ng donors na tumugon sa kampanya. Aniya, hanggang $3,000 lang ang inaasahan niyang malilikom, subalit halos umabot na iyon sa $23,000 makalipas lang ang anim na araw.

“Thank you everyone for your generous donations!!! We have been BLOWN away by everyone’s love and generosity. We were just hoping to raise at least $3k. I just cannot believe we’re approaching $23k!” ani Gaudet.

Imahe mula sa GoFundMe

As of December 24 ay umabot na sa $24,931 ang donations.

Lubos na nagpasalamat ang sekyu nang malaman ang GoFundMe campaign para sa kanya. Malaking bagay daw iyon hindi lang dahil mapapalitan na ng kotse ang biskileta na araw-araw niyang ginagamit sa loob ng limang taon, kundi mas marami na raw siyang magagawa para sa kanyang pamilya.

Source :

CNN PH, GoFundMe

Loading…