Hindi na matawagan, online seller naglaho matapos mabayaran

Image capture from video by GMA News via YouTube
  • Babae binlock sa social media ng ka-transaksyon makaraang kontakin kaugnay sa hindi pa nade-deliver sa kanyang order
  • Nakapagpadala na ang babae ng mahigit P5,000.00 bilang kabayaran para sa bed frame
  • Hindi na rin niya ma-contact ang cellphone number nito

Ngayong may pandemya ay dumami ang gumagamit ng mga online platforms para bumili o magbenta ng mga produkto. Mahalagang sa mga lehitimo o kakilala lamang makipag-transaksyon yamang mayroong gumagamit sa mga platforms na ito para makapanloko ng kapwa.

Ayon sa ulat ni JP Soriano sa Unang Balita, nabiktima ng scam ang isang babae. Naghahanap umano ang babae ng bed frame at saktong nakahanap ng nagbebenta sa social media.

Image capture from video by GMA News via YouTube

Kaya lamang, nang maipadala na niya ang higit P5,000 na pambayad sa online seller at kinontak ang ka-transaksyon dahil walang dumating na bed frame ay bigla na lamang siyang binlock sa social media. Hindi na rin niya ma-contact ang cellphone number nito!

“Binlock talaga ako kasi nung una nagri-ring ang number, ang pahayag nito. Sinabi pa niya na ginamit pa ng nagbebenta ang screenshot ng kanilang usapan para palabasin na lehitimo siya.

Nangangamba tuloy siya dahil naipadala pa niya ang address at contact details sa seller.

Napag-alaman din ng babae na marami pang ibang nabiktima ang seller.

“DTI is going to, of course, send the notice of mediation to the parties within three days from receiving the complaint ‘pag nag-mediation ‘yan dapat tapos na ‘yan within seven days,” anang kinatawan mula sa Department of Trade and Industry kaugnay sa naranasan ng online buyer.

Wika naman ni PCol. Joel Doria, Deputy Director for Administration ng PNP Anti-Cybercrime Group,  “Dalawang bagay po ‘yun. ‘Yung account is authentic after na mambiktima, bina-block ‘yung nabiktima. Pangalawa, ‘yung account [ay] baka naman na-hack ‘yun in-assume ‘yung identity ng may-ari ng account.”

Image capture from video by GMA News via YouTube | Image by Wednesday Roundtable

Pinaalalahan din ng mga awtoridad ang mga mamamayan na maging mapanuri at kagyat na mag-report kapag nakaranas ng kaparehong pangyayari.

Batay sa kanilang tala, mayroong 1,383 kaso ng online selling scams ang naiulat mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.

Panoorin ang ulat mula GMA News:

Source :

GMA News, YouTube

Loading…