Seminars at conferences na pinapayagan sa GCQ areas, delikado; puwedeng maging superspreader ng COVID-19

Screenshot mula sa GMA video
  • Ang mga seminars, conferences, workshops at iba pang katulad nito na pinapayagan na ng pamahalaan kahit sa limitadong kapasidad ay peligroso,ayon sa OCTA research group
  • Posible umanong maging superspreader ang mga ito ng coronavirus
  • Nanawagan ang grupo sa national government na muling pag-isipan ang mga direktibang nagluluwag sa mga quarantine rules lalo na ngayong Christmas season

Nagbabala ang mga eksperto mula sa OCTA Research group na maaaring maging matinding tagapagpakalat o superspreader ng coronavirus ang mga seminars, trainings, workshops at conferences na pinapayagan na sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Imahe mula sa Pixabay

Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ng national task force kontra sa COVID-19 na pwede na ang mga nabanggit na pagtitipon ngunit limitado lang ito sa 30% capacity ng venue.

Nauunawaan umano ng OCTA experts na ang desisyon na luwagan ang quarantine rules sa mga lugar na nananatiling nanganganib sa community transmission ay ginawa dahil sa mga kadahilanang pang-ekonomiya, subalit posible umano itong maging mitsa ng panibagong wave ng COVID-19.

“We urge the national government to rethink its directives that may increase the chances of dangerous superspreader events as these can trigger another wave. We should be especially cautious of these directives as we approach the Christmas holiday season,” panawagan ng grupo.

“In this regard, we urge the national government to rethink directives such as allowing conferences and seminars to resume in GCQ areas as these events could facilitate social mixing and viral transmission,” mensahe pa ng mga eksperto sa pamahalaan.

Imahe mula sa Tribune

Ayon sa Department of Health (DOH), pinakamainam pa rin ang mga virtual events upang manatiling protektado kontra COVID-19.

“Kahit pinapayagan ang ganitong activities, kailangan cautious and vigilant pa rin tayo… Most importantly, kung kaya pa rin na virtual, of course that would be more acceptable for us at mas nirerekomenda natin dahil dito maiiwasan ang paghahawa-hawa,” wika ni DOH undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

Imahe mula sa PNA

Patuloy pa rin ang panawagan ng OCTA Research group sa mga mamamayan na iwasan hindi lang ang mga matatao at saradong mga lugar kundi maging ang paglahok o pag-oorganisa ng socila gatherings ngayong Christmas season.

 

Loading…