Sen. Manny Pacquiao para sa birthday boy na si Michael: “Making my son a priority today”

  • Nagdiwang ng ika-19 na kaarawan ang aspiring rap artist na si Michael Pacquiao
  • Simple lamang ngunit makahulugan ang pagdiriwang sa kanilang tahanan dahil sila-silang magpapamilya lamang ang magkakasama
  • Ginawang prayoridad ni Manny ang kaniyang anak sa espesyal na araw nito

“Making my son a priority today. At the end of the day, family is everything. Always a proud dad here. Happy Birthday, Michael.”

Ang matatamis na pahayag na iyan ay mula mismo sa Pambansang Kamao na si Senador Manny Pacquiao para sa kaniyang rap artist na anak na si Michael Pacquiao na nagdiwang ng kaniyang ika-19 na taong kaarawan nitong Disyembre 13, 2020. Makikita sa Facebook post mismo ng senador-boksingero ang pagkarga niya sa kaniyang anak, na kinalugdan naman ng mga netizens.

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Pacquiao

Sa Instagram post naman ni Jinkee Pacquiao, ipinakita niya ang simpleng salusalo nilang mag-anak, na pawang sila-sila lamang, dahil nga ipinagbabawal pa rin ang social gathering bilang bahagi ng health protocols.

“Happy Birthday @pacquiao.michael. You are loved! Na-miss ko ang two girls ko na nasa Gensan!” caption ng post ni Mrs. Pacquiao.

Ang tanging makikitang panauhin ay ang Sports U host na si Dyan Castillejo ng ABS-CBN Kapamilya Network.

Umani naman ito ng iba’t ibang pagbati at reaksyon mula sa mga netizens.

“Happy Birthday Michael! Manny, you are such an amazing awesome loving caring kind passionate man should be more like you in the world,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “A blessed birthday Michael! You’re truly blessed to have such wonderful Dad and Mom; always remember to thank our Father God for loving and blessing us forever!”

“A smart boy. A recording artist! Something that a father could be so proud of! Happy Birthday to your son, Sir Manny!

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Pacquiao

Si Michael Pacquiao ay isang aspiring rap artist na nakapag-produce ng kaniyang unang album na “Dreams” ngayong 2020, at nakakuha ng 13 million views sa kaniyang performance ng “Hate” ng WISH 107.5 Bus Noong Agosto 5. Dahil dito, naging awardee siya ng Bronze Wishclusive Elite Circle.

Loading…