Siargao, Coron bukas nang muli sa local tourists simula Disyembre 1

Imahe mula sa The World Travel Guy
  • Muling nagbukas sa local tourists ang mga isla ng Coron at Siargao
  • Malaki daw ang maitutulong nito sa muling pagbangon ng tourism industry
  • Inaasahan ding muling sisigla ang kabuhayan ng mga residente ng Coron at Siargao

Upang lalo pang pasiglahin ang industriya sa bansa, muli nang bubuksan sa lokal na turista ang dalawa sa pinakasikat na tourist destination sa bansa – ang mga isla ng Siargao at Coron.

Simula nitong Martes, tatanggap na ng domestic tourists ang Coron Island sa Palawan at Siargao Island sa Surigao Del Norte.

Coron Island| Imahe mula sa Travel Palawan

Kasabay ito ng pag-resume din ng mga domestic flights sa Sayak Airport sa Surigao City kaya inaasahang sisiglang muli ang kabuhayan ng mga taga-Siargao, ang isa sa pinakasikat na surfing destination sa Mindanao.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), isa itong magandang balita para sa mga residente ng isla matapos sumadsad ang turismo sa kanilang lugar dahil sa COVID-19 pandemic.

“This is encouraging news for everyone who loves the sea, especially the surfers. As Siargao reopens to travelers, subject to minimum health and safety standards, the people of the island will regain their livelihood and share their paradise to our kababayans once more with the same level of hospitality they have always been known for,” ani Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat sa isang pahayag.

Sec. Puyat| Imahe mula sa League Magazine Online

Pinuri rin ng kalihim ang desisyon ng lokal na pamahalaan ng Coron na muling buksan sa mga turista ang kanilang isla na kilala sa buong mundo.

“We’re grateful for the decision of the local government officials and tourism stakeholders of Coron to finally welcome local visitors from all over the country. This will further help the tourism community of Palawan thrive during this time and bring back lost jobs to tourism workers,” wika ni Sec. Puyat.

Siargao| Imahe mula sa Wikipedia

Paalala ni Puyat, kailangan pa ring ipatupad sa Coron at Siargao ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, at ang physical distancing.

Kailangan ding may maipakitang resulta ng negative reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) sa loob ng 72 oras,  roundtrip ticket at  confirmed booking itinerary bago makapasok sa mga nabanggit na isla at makapagcheck-in sa mga hotel doon.

Loading…