Brazilian President tungkol sa posibleng side effects ng COVID-19 vaccine: “If you turn into a crocodile, it’s your problem”

Imahe mula sa O Globo
  • Binatikos na naman ni Brazilian Pres. Jair Bolsonaro ang COVID-19 vaccines
  • Hindi rin niya tinantanan ang Pfizer BioNTech at sinabing batay sa kontrata ay ayaw nitong managot sa anumang side effects ng gawa nilang COVID-19 vaccine
  • Kahit maging buwaya ang mga nagpabakuna ay hindi raw pananagutan ng pharmaceutical company

Tinuligsa ni Brazilian President Jair Bolsonaro ang mga COVID-19 vaccines at tila ipinahiwatig pa niya na ang posibleng side effects ng bakunang gawa ng Pfizer BioNTech ay magiging buwaya ang mga tao o kaya naman ay tutubuan ng balbas ang mga kababaihan.

Screenshot mula sa ABC video

Noon pa mang nakaraang taon, nang unang kumalat ang COVID-19, ay hindi na naniniwala dito ang Brazilian president. Sabi niya, isa lang daw iyong “little flu.”

Noong Miyerkules, December 16, iginiit niya na hindi siya magpapabakuna. Ang pahayag ay ginawa habang inilulunsad niya ang mass vaccination program sa kanyang bansa.

Sa kanyang talumpati sinabi niya na batay sa kontrata ay hindi raw mananagot ang Pfizer BioNTech sa anumang posibleng side effects ng kanilang COVID-19 vaccine. Problema na raw ito ng mga mababakunahan kahit na maging buwaya sila o kaya’y tubuan ng balbas ang mga babae. Kahit na raw ang mga lalaki ay maging boses babae o kaya’y maging isang superhuman.

“In the Pfizer contract it’s very clear: ‘we’re not responsible for any side effects.’ If you turn into a crocodile, it’s your problem,” ani Pres. Bolsonaro.

Imahe mula sa Bangkok Post

“If you become superhuman, if a woman starts to grow a beard or if a man starts to speak with an effeminate voice, they will not have anything to do with it,” sabi pa niya patungkol sa pharmaceutical company.

Ayon pa kay Pres. Bolsonaro, libre daw para sa lahat ang bakuna, pero hindi compulsory.

Nilinaw naman ng Supreme Court ng bansa na obligadong magpabakuna ang mga Brazilian, subalit hindi sila pipilitin kung ayaw nila. Nangangahulugan ito na maaaring pagmultahin ang mga hindi nagpabakuna at puwedeng ipagbawal sila sa ilang public places, pero hindi sila pipiliting magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Imahe mula sa Pixabay

Sa mga nagsasabing hindi siya magandang ehemplo, iginiit ni Pres. Bolsonaro na nagkaroon na siya ng COVID-19 noong July at gumaling. Bakit pa raw siya magpapabakuna gayong may antibodies na siya.

Loading…