Singer na si Bituin Escalante, may pasaring kay PNP chief Debold Sinas

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Singer na si bituin Escalante, pinasaringan si PNP chief Debold Sinas
  • Sinabi ng singer na zero ang kredibilidad ng PNP chief
  • Matatandaang sangkot noon si Gen. Sinas sa kontrobersya – ang mañanita – kung saan nalabag ang health protocols sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan

Pinasaringan ni Bituin Escalante sa social media si Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas.

Screenshot ng tweet ni Bituin Escalante

Sa isang Twitter post noong ika-17 ng Disyembre, sinabi ng singer na walang kredibilidad ang PNP chief. Kalakip ng post niya ang larawan ni Gen. Sinas.

“Eto ‘yung zero credibility,” tweet ni Bituin Escalante.

Ang pasaring ng singer ay nag-ugat sa direktibang ginawa ni Sinas na ang mga partygoers ngayong Christmas season ay huhulihin upang maiwasan umano ang pagkalat ng COVID-19.

Ang order na ibinigay ni Sinas sa mga police commenders ay tiyaking walang magaganap na party ngayong holiday season sa kani-kanilang nasasakupan batay umano sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases tungkol sa restriksyon sa mga pagtitipon.

Maraming netizens ang nagsasabing walang karapatang mag-utos si Sinas na hulihin ang partygoers. Katwiran nila habang naka-lockdown noon ang buong Pilipinas, si Sinas mismo ay lumabag sa health protocols  noong hepe pa siya ng National Capital Region Police Office kung saan nagtipon-tipon ang maraming pulis para surpresahin siya sa kanyang kaarawan noong buwan ng Mayo. Ang insidente ay tinawag na “mañanita controversy.”

Imahe mula sa NCRPO Facebook page

Inaasahan ng marami na mabibigyan si Sinas noon ng disciplinary action mula sa liderato ng PNP, ngunit nadismaya ang lahat dahil na-promote pa siya at hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte para pamunuan ang buong PNP.

Nang maupo siya bilang PNP chief noong nakaraang buwan, umapela si Sinas sa kanyng mga kritiko na mag-move-on na mula sa mañanita controversy.

“Let’s move on. It’s been six months already,” anang PNP chief.

BASAHIN: Utos ni PNP chief Sinas: Hulihin ang mga partygoers ngayong Christmas season

Source :

Twitter, MSN

Loading…