Single mother na iniwan ng nobyo binigla ang lahat sa kaniyang kamangha-manghang pagbabago

  • Hindi nagdalawang-isip ang isang single mother sa Vietnam na sumailalim sa plastic surgery
  • Ito ay matapos siyang iwanan ng kaniyang nobyo, at dahil na rin sa mga panlalait na nararanansan niya
  • Nakatulong ang kaniyang pagbabago upang magtamo ng tiwala sa kaniyang sarili

Sabi nga sa isang matandang kasabihan, “Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.” Kapag iniwan ka ng taong mahal mo, hayaan mo lamang, dahil ang ganting magagawa mo para sa kaniya, ay manatili kang maganda at kaaya-aya.

Iyan ang ginawa ng isang single mother sa bansang Vietnam na talaga namang ginulat ang lahat sa kaniyang total transformation o pagbabagong pisikal, dahil sa pang-iiwan sa kaniya ng kaniyang nobyo, at upang mawakasan na rin ang mga panlalait at panlilibak na natatanggap niya sa mga tao dahil sa kaniyang kaanyuan.

Imahe mula sa Noypi Republic /Public Domain Image

Ang naturang Vietnamese ay nagngangalang “Huyen,” 28 taong gulang, mula sa Ho Chi Minh City. Batay nga sa pagbabahagi ni Huyen, madalas siyang pagtawanan at laiitin ng mga tao noon, dahil sa kanyang “single eyelids” at pakakaroon ng “slightly tanned skin tone.”

Lalong nanliit sa kaniyang sarili si Huyen nang magdesisyon ang kaniyang nobyo na iwanan siya, sa kabila ng pagkakaroon nila ng anak, sa utos na rin ng pamilya nito. Naging pursigido tuloy siyang baguhin ang kaniyang pisikal na anyo.

Pumasok sa isipan ni Huyen na sumailalim sa plastic surgery, ngunit wala naman siyang sapat na pera upang gawin ito. Nang makapagtrabaho, pinaalagaan niya muna ang mga anak sa kaniyang ina. Binibisita naman niya ang mga ito tuwing Sabado at Linggo, o sa mga araw na wala siyang pasok sa trabaho.

Matapos daw ang tatlong taong pagtatrabaho, nakapag-impok ng sapat na pera si Huyen upang isakatuparan ang kaniyang planong plastic surgery. Gumastos siya ng 100,000,000 dongs, o katumbas ng 224,579 piso. Hindi niya raw malilimutan ang kaniyang karanasan, dahil bukod sa mahal ang kaniyang ginastos, napakasakit daw ng isang prosesong kailangan niyang pagdaanan: ito ay ang chest augmentation procedure.

Public Domain Image

“Since I wasn’t in the best financial situation, I had to start working without much rest after the surgeries. On the third day, after my chest augmentation procedure, I had to endure the pain and go to work. That was the most painful time in my life,” aniya.

Matapos ang ilang buwang pasakit, nagbunga naman ang kaniyang mga pinaghirapan. Makikita na sa mga larawan ni Huyen sa social media na malayong-malayo na ang kanyang hitsura ngayon kaysa dati.

Nakaapekto rin umano ito sa kaniyang pananaw o perspektibo dahil mas nagkaroon daw siya ng tiwala sa kaniyang sarili, dahil wala nang nanlalait o nangmamata sa kaniya. Naging masaya naman siya sa naging resulta ng kaniyang pagbabagong-anyo.

Loading…