Sinong Pinoy Rock icon ang nagpasikat sa salitang “Jeproks?”

  • Napa-throwback ang mga netizens, lalo na ang mga batang 70s, sa lumang larawan ni Mike Hanopol
  • Siya ay kinikilala bilang isa sa mga “Pinoy Rock icon” dahil sa kaniyang mga ambag sa musikang Pilipino
  • Siya rin ang nagpauso ng salitang binaligtad at balbal na “jeproks/jeprox”

Laki sa layaw, laki sa layaw JEPROKS!

Kung pamilyar ka sa linyang iyan mula sa sikat na awiting “Laki sa Layaw,” tiyak na isa ka rin sa naki-rock en roll sa itinuturing na “Pinoy Rock Icon” na si Mike Hanopol.

Imahe mula sa Facebook page na Philippines Past and Present / Public Domain Image

Kaya naman, pinag-usapan sa Facebook page na “Philippines Past and Present” ang kaniyang throwback photo. Pinahulaan pa sa mga netizens kung sino nga ba siya, na nagpasikat ng salitang “jeproks/jeprox.”

“Sikat na Pinoy Rock artist noong dekada 70s. Dahil sa kanya sumikat ang salitang Jeproks. Sino siya?” ayon sa caption. Mabilis namang nahulaan ng mga netizens na siya si Mike Hanopol.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Yes, isa ako sa mga fan ni Mike Hanopol. Kinakanta namin iyan sa videoke hanggang ngayon, lalo na ang mister ko na walang pakialam sa mga kapitbahay kapag bumanat na siya ng mga hit songs niya,” pagbabahagi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes I love the Juan de la Cruz band! I’m a gan, saka si Pepe Smith ay gusto ko rin.”

Si Mike Hanopol ay dating bass guitarist para sa Juan de la Cruz band. Itinuturing siyang isa sa mga pioneer ng rock musikang rock sa Pilipinas, kasama sina Pepe Smith at Wally Gonzales. Siya ang mentor at songwriter ng mga awitin ng grupong Hagibis.

Public Domain Image

Bukod sa pagiging rock icon, mang-aawit, gitarista, at recording artist, siya rin ay naging Jewish Rabbi. Nagkaroon siya ng ideya sa relihiyong Judaismo dahil sa kaniyang matagal na paninirahan sa Amerika.

Sa kaniyang pamamayagpag bilang musikero at mang-aawit, naging trademark niya ang kaniyang beret, leather clothing, at Steinberger guitar.

Sumikat din ang kaniyang mga kantang “No Touch,” “Balong Malalim,” “Katawan,” “Titser’s Enemy No. 1,” at marami pang iba.

Subalit ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang jeproks?

Noong panahon ng Batas-Militar sa panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, nauso ang pagbabaligtad ng mga salita. Sinasabing ito raw ay mula sa binaliktad na salitang “projects” o mayayamang kabahayan sa Quezon City noong dekada ‘7o  (Project 1 hanggang 8).

Public Domain Image

Ang salitang jeproks o jeprox, kung gayon,  ay isang salitang balbal na inimbento ni Mike, na ang ibig sabihin ay laki sa layaw. Sumikat ito noong dekada 70 na kalaunan ay naging tila opisyal na salita upang ilarawan ang mga “spoiled brats.”

Loading…