SMC nagbigay ng P20M tulong sa Skyway accident victims; anak ng isa pag-aaralin hanggang college

Imahe mula sa MCDDRM
  • Nagpaabot ng P20 million cash assistance si Ramon Ang ng SMC sa mga biktima ng aksidente sa Skyway extension project
  • Ang 4-year-old na anak ng isa sa mga biktima ay pag-aaralin hanggang makatapos ng kolehiyo
  • Ang ibinigay ng SMC ay bukod pa sa mga medical expenses at iba pang gastusin na sinagot ng Skyway project contractor na EEI Corporation

Ang presidente at chief operating office ng San Miguel Corporation (SMC) na si Ramon Ang ay nagbigay ng halagang dalawampung milyong piso bilang tulong sa mga biktima ng aksidente sa Skyway na naganap noong nakaraang buwan.

Imahe mula sa SMC

Ang naturang financial aid ay bukod pa sa medical expenses at iba pang gastusin na sinagot ng EEI Corp, ang Skyway project contractor para sa mga nasugatan at isang nasawi na kinilalang si Edison Paquibot..

Wika ni Ramon Ang, lubha siyang naapektuhan sa pasakit na idinulot ng insidente sa mga biktima at pamilya ng mga ito. Umaasa siya na ang halagang ipinagkaloob ay magsisilbing isang hakbang tungo sa pagbangon ng mga apektado.

“I’ve been deeply affected by the pain this has caused them and have been assessing different ways to assist the victims of this unfortunate accident, apart from what our contractor EEI has been providing them. I hope this amount would be a step towards helping them rebuild their lives. With the right support, we can all overcome adversity and lead full lives,” pahayag niya.

Imahe mula sa MCDDRM

Sinabi ni Ang na ang malaking bahagi ng P20 million ay mapupunta para sa pagsuporta sa pamilya ni Paquibot. Nangako siya na sasagutin ang mga pangangailangan ng mga naulila at pag-aaralin hanggang makatapos ng kolehiyo ang 4-year-old na anak ng biktima.

“Following the accident, I was able to speak directly to the wife. It’s very painful to suddenly lose a loved one. I promised her that I would take care of them, especially their child’s education, until she graduates from college. It will be as if they still have family supporting them,” saad ni Ang.

Bibigyan din ng SMC ang biyuda ng livelihood assistance.

Imahe mula sa MCDDRM

Para sa mga nasugatan, tuluy-tuloy umano ang gagawing ayuda para sa kanilang pagpapa-check up at therapy; papalitan ang mga nasirang sasakyan; babayaran ang nawalang income, at ibibigay ang iba pa nilang pangangailangan hanggang mapanumbalik sa normal ang takbo ng kanilang pamumuhay.

Loading…