SMC naghain ng offer para sa pag-operate at maintenance ng NAIA

Imahe mula sa PNA
  • Nag-offer ang SMC na i-operate at i-maintain ang NAIA matapos alisin ng MIAA ang OPS mula sa Megawide Construction Corporation para sa rehabilitasayon ng paliparan
  • Ten-year concession ang hinihingi ng SMC para pamahalaan ang NAIA
  • Nakikini-kinita ng SMC ang pagsasara ng NAIA paglipas ng sampung taon at ang lupang kinatitirikan nito ay ipagbibili para magamit na pambayad sa mga pagkakautang ng gobyerno

Nagpahayag ng interes ang San Miguel Corporation (SMC) sa pag-o-operate at pagme-maintain ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng panibagong pagkaantala sa planong rehabilitasyon ng pangunahing paliparan ng bansa.

Imahe mula sa SMC

Ilang araw pa lang ang nakalilipas, binawi ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang original proponent status (OPS) ng Megawide Construction Company para sa bidding ng rehabiliatasyon ng airport.

Sa bisa ng OPS, kailangan lang ng Megawide na tapatan ang counter-offer na isinumite ng mga bidding competitors. Kapag natapatan nito ang counter-offer ng ibang kumpanya ay sila na ang mananalo sa bidding.

Hindi malinaw kung bakit binawi ng MIAA ang OPS mula sa Megawide kaya’t nagkaroon ng mga haka-haka na kapos ito sa pinansyal na kapabilidad para gawin ang rehabilitation project.

Dahil nga sa delay na ito ay nag-submit ng offer ang SMC. Nilinaw ni Ramon S. Ang, president at chief operating officer ng kumpanya, na wala silang balak na i-rehabilitate ang NAIA.

“Yes…to operate and maintain only,” paglilinaw ni Ang.

Sampung taong pamamahala sa NAIA ang target ng SMC.

Imahe mula sa Facebook account ni RSA

Ayon kay Ang, nakikini-kinita niya ang pagsasara ng NAIA paglipas ng sampung taon at ang lupang kinatitirikan nito ay ipagbibili para magamit na pambayad sa mga pagkakautang ng gobyerno.

“Sell the land, 646 hectares for P2 trillion and pay for government debts,” aniya.

Bukod sa SMC, sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na naghain din ng offer ang isa pang grupo para sa control ng NAIA – ang Philippine Airport Ground Solution Services, Inc. na kasalukuyang humahawak ng ground handling services sa naturang airport.

Imahe mula sa PAGSS

Loading…