Social distancing nalabag sa opening ng SM City sa Zamboanga; mall operator pagpapaliwanagin ng DILG

Screenshot mula sa video ni Bong Simbajon via Facebook
  • Social distancing nabalewala sa soft opening ng SM City mall sa Zamboanga City
  • Makikita sa video na nagkukumpulan ang mga tao sa labas ng mall habang naghinintay ng pagbubukas nito
  • Pagpapaliwanagin ng DILG ang mall operator hinggil sa insidente

Iniimbestigahan na ng Department of interior and Local Government (DILG) ang soft opening ng SM City mall sa Zamboanga City kasunod ng kumalat na video kung saan makikita ang maraming tao na nag-unahan sa pagpasok sa  loob ng establisimyento.

Screenshot mula sa Inquirer video

“We will investigate this incident. Mukhang totoo ‘yung video, no, cause we do not know exactly where it happened. Allegedly sa isang mall daw sa Mindanao,” pahayag ni DILG undersecretary Jonathan Malaya.

Batay sa napanood niyang video, sinabi ni Usec. Malaya na may kamalian ang mga security personnel ng shopping mall dahil hindi kinontrol ng mga ito ang tao. Aniya, dapat sa labas pa lang ay inayos na ng mga sekyu ang pila ng mga tao at hindi hinayaang magkumpulan at magsisiksikan sa harap ng glass door entrance.

“Unang-una, mukhang mali ‘yung galaw nung mga security guards, no, kasi parang hindi puwedeng sa pintuan lang sila mag-control ng tao. Nakikita natin sa maraming mall sa buong bansa, sa labas pa lang, ang pila inaayos na kagaad ng guard,” ani Usec. Malaya.

Tila stampede raw ang nangyari sa paghugos ng mga tao nang tuluyang buksan na ang entrance.

Screenshot mula sa video ni Bong Simbajon via Facebook

“Ang nangyari doon, nagkumpul-kumpulan sila doon sa pintuan and they were insisting to come in. So, wala na silang magawa. And then eventually pinapasok na lang sila. So, nagkaroon ng parang some sort of a stampede,” aniya.

Sinabi ng DILG na pagpapaliwanagin nila ang mall operator tungkol sa insidente.

Source :

Facebook, MSN

Loading…