Solgen nagbantang papanagutin ang nag-hack sa website ng kanilang tanggapan

Imahe mula sa Solgen/Twitter
  • Pinasok ng hackers ang website ng OSG noong Martes, Disyembre 1
  • Dahil dito, nabago ang screen ng kanilang website at may iniwan pang mensahe ang hackers
  • Tiniyak naman ng OSG na papanagutin nila ang grupong nasa likod ng insidente

Tiniyak ng Office of the Solicitor General (OSG) na hahabulin at sasampahan nila ng kaso ang nang-hack sa kanilang website kamakailan.

Magugunitang kinumpirma ng OSG na pinasok ng hackers na nagpakilalang ‘Phantom Troupe’ ang kanilang website noong Disyembre 1 at nag-iwan pa ng mensahe bukod sa pag-upload ng ilang files.

Imahe mula sa Twitter/ MIka Navallo

“In the early hours of December 1, 2020, an entity which identified itself as Phantom Troupe uploaded several files in the OSG online job application system (career.osg.gov.ph), in an attempt to deface the site,” ayon sa pahayag ng OSG.

Dahil sa unauthorized na access na ito umano ay nabago ang screen ng kanilang website at may mababasang  mensahe na “’Stop blackmailing the NTC! Give ABS-CBN provisional authority!’”

Nitong Huwebes, siniguro ng OSG na papanagutin nila ang hackers na nasa likod ng nabanggit na insidente.

“The OSG will see to it that the individuals and institutions behind this act will be prosecuted and punished to the fullest extent of the law,” anang OSG.

Iniimbestigahan na umano nila ang insidente at humingi na rin sila ng tulong sa mga ahensiya upang mapalakas pa ang seguridada ng kanilang website para hindi na maulit ang pangyayari.

Imahe mula sa PNA

“The OSG would like to assure the public that this incident is being taken seriously. We have augmented our security measures as we assess and investigate the matter. We have also engaged the assistance of the intelligence and investigation agencies of the government in identifying the individuals and institutions responsible for this malicious act,” wika pa ng ahensiya.

Ang nasabing pag-atake sa confidentiality at integrity ng computer data at systems ng OSG ay itinuturing na paglabag sa Republic Act 10175 o ang Cyber Crime Prevention Act of 2012.

Ang sinumang mapatutunayang nagkasala rito ay maaaring patawan ng parusang pagkakakulong ng hanggang 12 taon at multang katumbas ng nasirang data.

Loading…