Solon nais palakasin ang depensa ng bansa vs. nuclear, biological threats

Imahe mula sa Nuclear Threat Initiative
  • Nais palakasin ng isang kongresista ang depensa ng bansa laban sa banta ng CBRN materials
  • Ang banta umano ng CBRN ay isang hamon sa bansa at sa buong mundo
  • Para din umano ito sa kaligtasan ng mga mamayang Pilipino

Isinusulong ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ang isang panukala na may layong palakasin ang depensa ng bansa laban sa mga bantang chemical, biological, radiological at nuclear (CBRN) na materyales o armas.

Ayon sa House Bill 4458 na inihain ni Deputy Speaker at 1-Pacman partylist Rep. Mikee Romero, mahalaga ang batas na ito upang maprotektahan ang mga susunod na henerasyon sa pamamagitan ng paglikha ng isang strategic at integrated na ‘CBRN resiliency approach’.

Rep. Mikee Romero| Imahe mula sa Facebook

Hindi umano maipagkakaila na ang banta ng CBRN ay isang hamon hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo kaya nararapat itong paghandaan.

“The Philippines, an archipelagic country with the vast coastline and porous borders, is vulnerable to different threats or risks to its population,” ayon kay Romero.

“If these materials are used malevolently, or if the laboratories or facilities containing these CBRN materials have not followed safety and security protocols, the probabilities of exposing the Filipinos and the environment to grave threats and risks are increased,” dagdag pa ng kongresista.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Romero, ang ‘CBRN resiliency approach’ ay may layong pigilan, kontrolin, tugunan at i-manage ang peligrong dala ng bantang ito na maaaring makaapekto sa kaligtasan ng mga Pilipino.

Imahe mula sa Rand.org

Ang CBRN ay inilalarawan dito bilang mga materyales o armas na maaaring gamitin ng mga kalaban ng gobyerno upang magdulot ng pagkawasak o pagkasira.

Itinakda rin sa panukala ang paglikha ng isang ‘CBRN Authority’ sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na siyang mangunguna sa pagbalangkas ng mga polisiya, programa, estratehiya at panuntunan upang lalo pang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa bantang ito.

Umaasa si Romero na ang kaniyang isinusulong na batas ay magsilbing karagdagang proteksiyon ng mamamayan para sa kanilang kaligtasan.

Source :

GMA News, Remate

Loading…