Southern California isinailalim sa lockdown; mahigit 30M residente binawalang lumabas

Screenshot mula sa ABC7 video
  • Isinailalim sa lockdown ang Southern California matapos bumagsak sa mas mababa sa 15% ang availability ng ICU beds sa rehiyon
  • Tatlong linggo ang itatagal ng lockdown
  • Posible pang humaba ang lockdown depende sa assessment ng mga health officials

Mahigit tatlumpung milyong Southern Californians ang pinagbawalang lumabas ng kanilang mga tahanan, maliban na lang kung may mahalagang dahilan, kasunod ng pagpapatupad ng lockdown na sinimulan 11:59 ng gabi noong Linggo, ika-6 ng Disyembre.

Screenshot mula sa ABC7 video

Ang lockdown na tatagal ng tatlong linggo ay ipinatupad matapos bumagsak sa mas mababa sa 15% ang availability ng ICU beds sa rehiyon. Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang private gatherings, ang restaaurants ay nilimitahan ang operasyon sa take home at delivery services.

Ang ibang establisimyento tulad ng bar at salon ay pansamantalang ipinasara. Maging ang mga parke ay sarado na sa publiko.

“The overwhelming majority of Californians are now in this stay-at-home order protocol. We are at a tipping point in our fight against the virus and we need to take decisive action now to prevent California’s hospital system from being overwhelmed in the coming weeks,” pahayag ni California Governor Gavin Newsom.

“By implementing stay-at-home orders when ICU capacity falls below 15 percent, we can flatten the curve as we’ve done before and reduce stress on our health care system,” ayon pa sa gobernador US state na may pinakamalaking populasyon.

Screenshot mula sa ABC7 video

Ang Southern California region ay binubuo ng Los Angeles, Orange, Riverside, San Diego, Ventura, Imperial, Mono, San Bernardino, Inyo, San Luis Obispo at Santa Barbara counties.

Ang tatlong linggong lockdown ay posible pang tumagal, depende sa assessment ng mga health officials. Kapag ang ICU capacity ay umabot o lumampas pa sa 15% ay saka pa lang maaaring alisin ang ipinatutupad na lockdown.

Screenshot mula sa ABC7 video

Loading…