SSS ipatutupad na ang bagong ‘mandatory provident fund’ simula Enero; contribution madaragdagan

Imahe mula sa SSS
  • Ipatutupad na ng SSS ang bagong ‘savings program’ nito simula sa Enero
  • Madaragdagan ang kaltas ng bawat miyembro at mapupunta ito sa provident fund
  • Tiniyak naman ng SSS na ii-invest nila ang pera mula sa pondo

Simula sa Enero 2021, ‘automatic’ nang kakaltasan ang lahat ng kwalipikadong miyembro ng Social Security System (SSS) para sa bagong programa nitong naglalayong makatulong sa mga kasapi para lumaki ang kanilang retirement benefits.

Ang bagong programa ng SSS ay tinawag na Workers’ Investment and Saving Program o WISP kung saan pasok lahat ng miyembrong sumasahod o mayroong monthly salary credit (MSC) na P20,000 pataas.

Ang bagong ‘mandatory provident fund’, ayon sa state pensioner, ay isang “safe, convenient, and tax-free individual retirement savings plan”.

Imahe mula sa Facebook-SSS

“It’s another layer, it’s our second layer of protection. Additional benefits ito to supplement your pension benefits,” paliwanag ni SSS Vice President for Benefits Administration Joy Villacorta.

Obligadong kakaltasan nito ang lahat ng empleyado sa pribadong sektor, OFWs, self-employed at mga voluntary members na may MSC na hindi bababa sa P20,000 kada buwan simula ngayong Enero.

“The intent at the end, this will support retirement but also for final contingencies like total disability and death, this will also be used,” dagdag pa ni Villacorta.

Imahe mula sa Facebook-SSS

Ang contribution kada buwan sa bagong programa ay P650; P425 ang sasagutin ng employer habang P225 naman ang sa miyembro. Labas pa rito ang regular na contribution na dati nang binabayaran.

Ibig sabihin, para sa mga kasaping nagbabayad ng P2,600 bilang contribution, ay aakyat na sa P3,250 ang kanilang babayaran bawat buwan.

Tiniyak naman ng SSS na ii-invest nila nang maayos ang pondo mula sa provident fund at ang kikitain dito ay ipamamahagi bilang ‘additional pension income’ para sa contributing members.

Imahe mula sa Facebook-SSS

“The total accumulated account value (AV) of the member under the WISP will be the basis of his/her additional benefits, which will be given at the same time during his/her retirement, total disability, and/or death benefits. Benefits will be given in annuity or lump sum, depending on the manner of payment of his/her benefit under the regular SSS program,” paliwanag ng SSS.

Ang annuity ay ibibigay bilang ‘fixed amount monthly pension’, na babayaran hanggang ma-settle ng miyembro ang kanilang AV, na tatagal nang 15 taon.

Loading…