Staff ng DepEd TV hindi pa umano nakatatanggap ng suweldo

Screesnhot mula sa YT video
  • Hindi pa raw nakatatanggap ng sahod ang karamihan sa staff ng DepEd TV
  • Ang iba ay nakatanggap man subalit para lang daw sa ilang linggong trabaho iyon
  • Kinondena naman ng grupo ng mga guro ang kalakarang ito ng DepEd

Dalawang buwan makaraang magbukas ang pasukan sa public school, hindi pa raw nakatitikim ng sahod ang karamihan sa staff ng DepEd TV na inilunsad ngayong taon para sa online learning habang umiiral ang pandemya sa bansa.

Naglabas ng pahayag ang grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines upang kalampagin ang DepEd lalo pa’t malapit na ang Kapaskuhan.

“They took the job for economic gain, especially with the crisis amid the pandemic. It is the height of injustice to make them suffer due to government’s neglect and ineptitude,” ani ACT Secretary General Raymond Basilio.

Screenshot mula sa YT video

Ang iba raw sa staff ay nagsimula ng kanilang trabaho buwan pa ng Setyembre subalit wala pa ring natatanggap na suweldo ayon kay Basilio.

“For months, these hapless employees were producing output through their own means— their own computers, internet and electricity expenses—under the work-from-home set-up, but they were not getting any for all their work,” wika pa nito.

Dalawa naman sa staff ng DepEd TV na nakapanayam ang ABS-CBN News ang kinumpirma ito.

Ayon sa isang staff na nag-resign na, Oktubre umano siya nang magtrabaho sa DepEd TV subalit wala pang natatanggap na sahod. Kung mayroon man daw siyang kasamahan na sumahod na, ito ay para sa dalawang linggong trabaho lamang.

Imahe mula sa Wikipedia

Pinangakuan din daw silang matatanggap ang kanilang pera kapag naaprubahan na ang 2021 budget ng ahensiya.

May nangako rin daw umano na matatanggap na nila ito ngayong Disyembre subalit papalit-palit naman daw ng petsa kung kailan ito mangyayari.

Base naman sa kuwento ng isa pang staff na konektado pa rin sa DepEd TV ngayon, Setyembre siya nagsimula at isang beses lang siya pinasahod simula noon.

Mistulang pinaasa lang daw sila sa suweldo gayung overworked naman sila at walang compensation.

Loading…