Suklay sa halip na saklay: Sweet convo ni Paolo Contis sa kaniyang ina kinaaliwan

  • Naaliw ang mga netizens sa “sweet conversation” ni Paolo Contis sa kaniyang ina
  • Ibinahagi niya ito sa kaniyang Instagram at Facebook accounts
  • Tungkol kasi ito sa kaniyang regalong suklay; ang gusto raw ng kaniyang ina ay saklay

Ibinahagi ng aktor na si Paolo Contis ang nakatutuwang kumbersasyon o pag-uusap nila ng kaniyang ina, sa bisperas ng pagdiriwang ng Pasko, kung saan iniabot na niya ang regalo niya rito.

Makikita sa kaniyang mga social media platforms na Instagram at Facebook ang kaniyang pagbabahagi. Salaysay niya, nagkaroon sila ng “very sweet conversation” ng kaniyang ina. Iniabot niya rito ang kaniyang regalong suklay, na sabi niya ay matagal na umanong hinihirit sa kaniya nito.

Imahe mula sa Instagram/Facebook accounts ni Paolo Contis

“Heto na yung suklay na request mo, Mama!” saad daw ni Paolo.

Tumugon naman ang kaniyang ina. “Ang gusto ko SAKLAY, hindi SUKLAY!”

At dahil isang komedyante rin ang aktor, biniro na lamang niya ito. Aniya, “Ah ganun ba?? Di bale, parang kailangan mo din naman ng SUKLAY!”

Makikita kasi sa kalakip na larawan na tila “hinangin sa labas” ang buhok nito, na kailangan na ngang suklayin. Bilang tugon, minura siya ng kaniyang Mama.

“Sweet namin noh?” sabi na lamang ni Paolo.

Naghatid naman ito ng good vibes sa mga netizens na tagahanga at tagasubaybay ng aktor.

“Hehehe, pasaway pala si Paolo Contis kahit hindi nakaharap ang camera ng showbiz eh hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging komedyante. God bless you and Merry Christmas Contis Family!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Dapat sinabi mo kay Mother, “Mama hindi mo kailangan ng saklay dahil ako ang magiging tungkod mo at aalalay sa ‘yo habambuhay! Hahaha. Ganiyan talaga ang-mag ina na close, nag-aasaran, pero mahal nila ang isa’t isa. Very sweet!”

Public Domain Image

“Hahaha oo nga sweet, nakakamiss talaga ang mga Mama eh. Sana all my Mama pa.  Idol alagaan mo nang mabuti si Mama mo, habang nariyan pa siya, lagi mong ipadama ang pagmamahal mo sa kaniya!” wika naman ng isa.

Samantala, isang netizen na nagngangalang “Amah Susan Castro” ang nagbigay naman ng kaniyang testimonya kung gaano kabuting tao si Paolo, lalo noong kasagsagan ng pagiging child star nito.

“Just want to share a fondest memory with Paolo Contis as a new child star. When you came to audition for a commercial where I worked as the production assistant and in-charge of talent search for the boy who will play the main role, we asked you what you wanted to become when you grow up…”

Sa pagpapatuloy, “And wittingly you responded ‘President of the Philippines.’ The staff of the commercial production and I laughed very much, and we knew that you will be this successful. And we were right.”

“We are so happy to see how far you have made. Sir Paolo Contis, we are so happy to have met you then, a memory I still keep with me. Thank you,” turan nito.

Public Domain Image

Nitong 2020 ay muling namayagpag ang pangalan ni Paolo Contis dahil sa kaniyang mga pelikulang naging trending at pinag-usapan sa Netflix, gaya ng “Through Night and Day” at “Ang Pangarap Kong Holdap” na parehong naipalabas noong 2018 sa mga sinehan, ngunit makalipas ang dalawang taon ay saka lamang pinag-usapan.

Sa ngayon ay napapanood siya sa Bubble Gang at All-Out Sundays sa GMA Network.

Loading…