Surfer na si Philmar Alipayo sumisid sa ilalim ng dagat nang walang suot na breathing apparatus

  • Sumisid sa ilalim ng dagat ang Pinoy surfer na si Philmar Alipayo nang walang suot na breathing apparatus
  • 14-meter underwater ang kaniyang sinisid sa dagat sa Batangas
  • Siya ang partner ng aktres na si Andi Eigenmann, na nakilala naman niya sa Siargao noong 2017

Namangha ang mga netizens sa pagsisid ng Pinoy surfer na si Philmar Alipayo sa kailaliman ng karagatan sa Batangas, na walang suot na breathing apparatus.

Makikita sa Instagram post ni Philmar ang kaniyang mga larawan habang nasa 14-meter underwater ng dagat sa Solitude Acacia Resort sa Batangas. Si Philmar ang partner ng aktres na si Andi Eigenmann.

Imahe mula sa Instagram account ni Philmar Alipayo

“Dove 14 meters under (water) yesterday,” ayon sa caption ng Pinoy surfer at swimmer.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Nabanggit pa ang dating fantaserye ni Andi na “Agua Bendita” na ginawa niya sa ABS-CBN Kapamilya Network noong 2010.

“Wow, nice shots! Iyan talaga ang napansin ko. Iyan kasi ang resulta kapag naging asawa mo ay si “Agua Bendita! Hahaha lupet idol!” pabirong papuri ng isa.

Turan naman ng isa, “Kung ikaw ba naman ang asawa ni Agua Bendita eh, what do you expect? Basta ako super like ko ang dalawang ‘yan… walang ka arte-arte sa katawan, lalo na si Andi. Akala mo lang na spoiled brat siya pero nakakatuwa na mas pinili pa niya ang simpleng pamumuhay kasama ang partner at mga anak niya.”

“Buti hindi sumabog tenga niya sa pressure? Kamag-anak yata ni Aquaman ‘yan hahaha, ako baka 4 to 5 meters palang habol ko na hininga ko riyan,” wika naman ng isa.

Nagkakilala sina Philmar at Andi noong 2017, habang nagbabakasyon ang aktres sa island paradise ng Siargao. Kilala ang Siargao bilang “Surfing Capital of the Philippines. Si Andi pa raw mismo ang lumapit kay Philmar para magpa-picture, dahil siya ang number one sa Philippine surfing noon.

Imahe mula sa Instagram account ni Philmar Alipayo

Si Philmar ay itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na surfers sa buong bansa. Gumawa siya ng kasaysayan bilang kauna-unahang kampeyon ng Philippine Surfing Championship Tour sa panlalaking dibisyon noong 2017.

“Ever since we would talk and chat, hindi ko in-expect talaga. Sabi ko nga, ‘Itatanong pa ba iyon?’ Ang sarap-sarap ma-in love kapag nasa paradise ka,” sabi ni Andi noon.

Loading…