Swiss gov’t magbibigay ng P27-M sa ‘Pinas para sa mga nasalanta ng bagyo

Imahe mula sa Promex
  • Magbibigay ang Swiss government ng P27-M para sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad
  • Ang donasyon ay ipadadaan sa PH Red Cross at sa Int’l Federation of Red Cross
  • Ito ay inaasahang makatulong sa pagbangon ng pamilyang Pilipinong dinaanan ng sunod-sunod na bagyo at pagbaha

Magbibigay ang bansang Switzerland sa Pilipinas ng halagang Swiss Franc (CHF) 500,000 o halos P27-M bilang donasyon at tulong sa mga nasalanta ng sunod-sunod na bagyo at baha nitong nagdaang buwan.

Ito ay bilang suporta na rin umano sa patuloy na pagbangon ng pamilyang Pilipino na naapektuhan ng kalamidad.

Ang donasyon ay ipadadaan sa Philippine Red Cross (PRC) at International Federation of Red Cross (IFRC).

Swiss Ambassador Alain Gaschen at Sec. Locsin| Imahe mula sa Twitter

“In solidarity with the Philippines, the Swiss Confederation confirms its support to the emergency appeal of the International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC) amounting to CHF 500,000- which corresponds to roughly PHP27,000,000,” ayon sa pahayag ng Swiss Embassy sa Manila nitong Huwebes.

Ang naturang halaga ay inaasahang mapupunta at makatutulong para sa kalusugan, malinis na tubig, sanitation, hygiene, tirahan at humanitarian relief at iba pa, ng mga pamilyang makatatanggap nito.

Nagpaabot rin ng pakikiisa ang Swiss gov’t sa gobyerno ng Pilipinas sa sunod-sunod na kalamidad na kinakaharap ng bansa.

Screenshot mula sa GMA video

“This year has been a tumultuous one, to say the least. In 2020, we were confronted by volcanoes, typhoons, and a terrible Covid-19 pandemic that took a heavy toll on so many people with health concerns but also fear for their jobs, livelihoods, and existences. Solidarity and care are more important than ever,” ayon kay Swiss Ambassador Alain Gaschen.

Noong nakaraang buwan, inilunsad din ng Swiss Embassy sa Manila ang programa nitong “Angels for Angels: A Christmas Solidarity Action” para tulungan ang Negrense Volunteers for Change Foundation at ang International Bazaar Foundation.

Simula noong Nobyembre 21, maaaring bumili ng Christmas angels na gawa sa mga upcycled materials sa  Glorietta 2 Concierge at ang pinagbentahan nito ay mapupunta sa dalawang nabanggit na foundations.

Loading…