Taguig City mayor nagbantang magpapatupad ng istriktong lockdown

Imahe mula sa I Love Taguig
  • Nagbabala si Taguig City mayor Lino Cayetano ng posibleng lockdown sa siyudad
  • Ang banta ng alkalde ay kasunod ng mga ulat na natanggap na binabalewala ng mga residente at establisimyento ang mga health protocols
  • Marami umanong kabahayan ang nagsasagawa ng party at mga restaurant na nag-ooperate nang overcapacity

Nagbanta si Taguig City Mayor Lino Cayetano na isasailalim ang siyudad sa mas striktong lockdown kasunod ng mga napaulat na pagbabalewala ng mga residente at mga establisimyento sa health at safety protocols.

Imahe mula sa I Love Taguig

Sa statement na inilabas noong Sabado, December 19, sinabi ni Mayor Cayetano na nakarating sa kanyang tanggapan ang mga ulat na may ilang pamilya na diumano ay bumabalewala sa mga ipinatutupad na minimum health standards.

“We may be facing a new lockdown and quarantine restrictions soon. We are working hard to make Taguig City safe and open for business, having the lowest number of active cases per population. However, the freedom of movement in Metro Manila and the recklessness of some establishments and citizens has begun to compromise the gains we have made over the last few months,” pahayag ni Mayor Cayetano.

May ilang restaurant daw na nag-ooperate nang overcapacity, mga bars na sikretong nag-ooperate at ang hindi masawatang contact sports tulad ng pagba-basketball.

Imahe mula sa I Love Taguig

“There have been neglect of orders for no social gatherings, parties with multiple households, overcapacity in restaurants, bars that operate in secret, and playing of contact sports like basketball that is unregulated,” wika ng alkalde.

Nakiusap ang alkalde sa kanyang mga nasasakupan na panatilihin ang disiplina.

“Let us stay disciplined and committed so we can continue to stop transmission, save lives, and be open for business safely,” apela ng mayor.

Imahe mula sa I Love Taguig

Sana raw ay ma-realize ng mga residente na ang kawalan ng pag-iingat ay magdudulot lang ng pagtaas ng bilang ng mga bagong COVID-19 cases at posibleng pagpapatupad ng lockdown na nakapipinsala sa public health system at sa ekonomiya.

Loading…