Taiwanese-owned face mask at PPE factory nangangailangan ng karagdagang manggagawa

Imahe mula sa Medtecs International Corp., Ltd. Philippines
  • Naghahanap ng mga karagdagang manggagawa ang isang Taiwanese-owned factory ng face masks at PPEs sa Bataan
  • Nasa 500 workers ang kailangan ng Medtecs International Corp. Ltd-Philippines upang tugunan ang mataas na demand sa kanilang mga produkto
  • Magandang oportunidad ang alok ng kumpanya sa mga taga-Bataan dahil maraming mga kumpanya doon ang pansamantalang nagsara dahil sa health crisis

Dahil sa mataas na demand sa kanilang produkto ngayong may pandemya ay nangangailangan ng karagdagang manggagawa ang isang Taiwanese-owned factory na gumagawa ng mga face masks at personal protective equipment (PPE) sa Mariveles, Bataan.

Imahe mula sa Medtecs International Corp., Ltd. Philippines

Sa ngayon ay mayroon na itong mahigit isanlibong workers, ngunit naghahanap pa ito ng 500 workers para matugunan ang demand sa kanilang mga produkto hindi lang dito sa bansa kundi maging sa abroad.

Kabilang sa mga posisyong kailangang punuan ay mga machine operators, mananahi, supervisor, admin staff at iba pa.

Mula sa dating 85,000 piraso ng face masks kada araw, nakagagawa na ngayon ang Medtecs International Corp, Ltd.-Philippines ng 1.1 million pieces nito kada araw dahil na rin sa pagtaas ng demand ngayong may health crisis sa buong mundo.

Ayon kay Via Cataquis, ang VP for Sales and Marketing ng kumpanya, ngayon lang sila nakapagbebenta ng mga produkto nila sa local markets dahil noong una ay ine-export nila ang mga finished products. Mahirap daw kasi ang kompetisyon.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

“Actually, it’s hard to sell sa local because of the competition kaya lang ngayon kasi, ‘yung demand, talagang malaki. It will be great if local manufacturers like us will be given the opportunity to market in the country,” ani Cataquis.

Isa umanong magandang oportunidad para sa mga residente ng Bataan, partikular na sa Mariveles, ang alok nilang trabaho. Aniya, maraming pabrika ang pansamantlanang nagsara dahil sa epekto ng pandemic sa bansa.

Imahe mula sa Medtecs International Corp., Ltd. Philippines
Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…