Tanda mo pa ba ang mga “Ewoks?”

  • Ginunita ng mga batang 80s at 90s ang mga “Ewoks”
  • Sila ay mga nakatutuwang fictional characters na unang nakilala sa “Star Wars universe”
  • Itinampok sila sa sariling pelikula at animated series

Isa sa mga fictional characters na sumikat dahil sa pelikulang “Star Wars” ay ang “Ewoks.” Nakakatakot man ang kanilang mga hitsura, pumatok naman sila noon at kinagiliwan ng mga batang 90s.

Iyan ang binalikan sa Facebook page na “Batang Pinoy: Ngayon at Noon” kung saan ipinakita ang mga throwback photos ng mga Ewoks.

Imahe mula sa Facebook page na Batang Pinoy: Ngayon at Noon

“Naaalala n’yo pa po ba ang mga Ewoks?” tanong sa caption ng naturang post. Natuwa naman ang mga netizens sa mga larawan, lalo na ang mga batang 80s at 90s, at kaniya-kaniya silang reaksyon at komento sa mga ibinahaging larawang gunita ng kanilang kabataan.

“Friday. After ng Power Rangers, nakaabang na kami sa TV. Elementary days! Kaway-kaway mga batang 90s!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Of course! Sila yung pinaka-cute na mga characters ng Star Wars Episode VI movie then ginawan pa ng sariling TV series. I missed those days!”

“Ito naman ang favorite ko noon na pinanood sa kapitbahay, nakatungtong ako sa lata ng biscuit para makapanood lang, kasabayan ni Popeye The Sailorman,” salaysay naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Oo naman! Favorite ko sila!”

Ang mga Ewoks ay fictional species na maliliit at mabalahibong mammaloid bipeds na unang lumabas sa Star Wars universe. Nakatira sila sa forest moon ng Endor at arboreal huts.

Public Domain Image

Una silang itinampok sa 1983 film na “Return of the Jedi” at nang sila ay sumikat at pumatok sa mga manonood, itinampok sila sa “The Ewok Adventure (1984)” at “Ewoks: The Battle for Endor (1985),” gayundin sa mga 2D animated series, mga coloring books, at games. Sila ay likhang-isip ni George Lucas.

Loading…