Task force na binubuo ng medical experts at scientists itatatag para tutukan ang new COVID-19 strain

Imahe mula sa WebMD
  • Nais ni Pangulong Duterte na magtatag ng bagong task force na tututok sa new COVID-19 strain
  • Sinabi niya na kailangang pangunahan ito ng mga medical experts at scientists
  • Kailangan umanong maging preparado ang bansa sa banta ng bagong variant ng COVID-19

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatag ang pamahalaan ng panibagong task force na tututok lang sa bagong variant ng COVID-19. Sa pagkakataong ito, sinabi niya na dapat pangunahan ng mga medical experts at scientists ang task force.

Screenshot mula sa PTV News video

Sa pagpupulong noong Sabado, December 26, inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Science and Technology at ang Department of Health na bumuo ng task force na hiwalay sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“The government should create another task force, hindi itong atin wala naman tayong alam diyan. Medical. Ideally, it’s the medical persons, na nakatutok lang talaga diyan sa bagong strain whether or not it is here or not,” anang Pangulo.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na sa ngayon ay mas mainam na asahang makapapasok sa bansa ang new variant ng COVID-19 at tugunan ito tulad ng ginawang pagtugon sa SARS-CoV-2, ang virus na nagsasanhi ng COVID-19.

“Let’s do it this way: We will assume that it will really happen. We will assume that that new strain will arrive in the Philippines. Let us proceed from that premise,” aniya.

Screenshot mula sa PTV News video

“We cannot — unless we float the country, papasok talaga ‘yan. The strain will — that’s why I said a task force so that we will be advised immediately. Papasok talaga ‘yan dito,” giit pa ng Pangulo.

Binigyang-diin niya na kailangang maging preparado ang bansa sa banta ng new COVID-19 strain.

“I think we should not really be complacent about it. We should treat them as a deadly disease that could enter. Pag-aralan natin. Kailangan may nakatutok talaga diyan. I would suggest we create a panel whose job will be only to observe the different progression and the identification of the new strain,” aniya.

Isang hakbang na ipinatupad ng pamahalaan upang hindi makapasok sa bansa ang banta ng bagong COVID-19 variant ay suspindehin ang lahat ng flights mula sa United Kingdom kung saan ito unang nadiskubre.

Imahe mula sa Twitter

Loading…