Tatay sa viral e-jeep incident noon, kinumusta ni Raffy Tulfo

Imahe mula sa YouTube | Raffy Tulfo in Action
  • Binalikan ng programa ni Raffy Tulfo si Tatay Alexander Gutal, ang matandang nag-viral matapos mapagtulungan
  • Napagbintangan siya noon ng pambabastos kay alyas ‘Linda’
  • Na-stroke si Tatay Alex noong Enero ngunit unti-unti na siyang nakababawi ngayon

Kinumusta ng programa ni Raffy Tulfo si Tatay Alexander Gutal, ang matandang napagtulungan noon matapos na pagbintangan ng isang alyas “Linda” na nambastos  sa kaniya sa loob ng e-jeep.

Kuwento ng anak ni Tatay Alex na si Christian Gutal, Enero ngayong taon ay na-stroke ang kaniyang tatay.  “Siguro iba’t ibang dahilan. Noong panahon na nabugbog siya, nakita n’yo naman na grabe ‘yong ginawa sa kaniya. Siguro na-stress siya kaya natrigger na nagkaganyan,” pahayag niya.

Imahe mula sa YouTube | Raffy Tulfo in Action

Naging bedridden daw noon ang kaniyang tatay ngunit unti-unti ay nakabangon ito.

Bukod sa pagtulong kay Tatay Alex upang masampahan ng kaso si Linda ay binigyan din sila ng negosyo ng programa.

“Sa awa ng Diyos, okay naman po. Although nagkaroon ng pandemic at maraming tao ang nahihirapan, laking pasaalamat sa Diyos na kahit paano may hanapbuhay saka business na ipinagkaloob sa amin,” ani Christian na siyang nagpasalamat para sa ama na hirap na sa pagsasalita.

“Nakatulong po siya sa amin nang sobra para makatawid sa hirap ng pandemic.”

Imahe mula sa YouTube | Raffy Tulfo in Action

Muli rin silang hinandugan ng negosyo ng programa kaya naman laking pasasalamat ni Christian.

“Sobrang pong pasasalamat talaga kasi one year na rin ‘yong nakalipas kaya ‘di ko ine-expect na maaalala kami… Malaking tulong po ito lalo na sa panahon ngayon. Sisikapin namin na mapalago gaya nung unang pangkabuhayan,” pangako niya.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng pamilya Gutal ang desisyon sa isinampa nilang kaso kay alyas Linda. Matatandaang lumuhod pa noon si alyas Linda upang humingi ng paumanhin sa matanda ngunit desidido siyang sampahan ng kaso ang babae.

Panoorin dito ang video:

Source :

YouTube

Loading…