Thai researcher gumawa ng gourmet food gamit ang mga balahibo ng manok

Screenshot mula sa Thai Visa video
  • Isang Thai researcher ang naghahanap ng pinakamainam na paraan kung paano pulbusin ang nutrients mula sa chicken feather na maaaring ma-convert bilang food source na siksik sa protina
  • Nagsimula ang kanyang pananaliksik noong estudyante pa siya sa London at naghahanap ng mga uri ng basura na maaaring i-recycle
  • Napagtuunan niya ng pansin ang balahibo ng manok na milyun-milyong tonelada kada taon ang napupunta sa mga landfill
  • Nakagawa na siya ng ilang prototype tulad ng chicken nuggets at steak substitute na nakatanggap ng mga positive reviews

Noong design student pa si Sorawut Kittibanthorn sa isang art school sa London, naghahanap siya ng mga bagong uri ng basura na puwedeng i-recycle at napagtuunan niya ng pansin ang milyun-milyong tonelada ng mga balahibo ng manok na itinatapon sa mga landfill kada taon.

Screenshot mula sa Thai Visa video

Nakabalik na siya ngayon sa Thailand at kasalukuyang naghahanap ng pondo upang maipagpatuloy ang kanyang pagsasaliksik kung paano ang pinakamainam na paraan upang ang mga nutrients na taglay ng chicken feathers ay gawing pulbos na puwedeng ma-convert bilang protein-rich food source.

“Chicken feather contains protein and if we are able to serve this protein to others in the world, the demand from everyone in the world will help reduce the waste from chicken feathers that we produce everyday,” aniya sa isang panayam.

Malaki ang potensyal na makabawas ng basura ang kanyang proyekto kapag nagtagumpay ito lalo na’t sa Europe pa lang ay nasa 2.3 million tons na ng mga balahibo ng manok ang itinatapon kada taon. Naniniwala siya na ang mga patapong balahibo ng manok sa Asya ay 30% na mas marami kaysa sa Europa dahil sa hilig ng mga tao sa rehiyon na kumain ng chicken.

Imahe mula sa Facebook account ni Sorawut Kittibanthorn

Sabi niya, marami pang pananaliksik ang kakailanganin para sa kanyang ideya.

Sa kabila nito, ang prototypes na nagawa niya tulad ng chicken nugget at steak substitute ay nakatanggap ng mga positive reviews.

“You know the texture is very complex and advanced. It’s something you wouldn’t imagine that chicken feathers will be able to improvise into this kind of dish.  I really could imagine this being served to me in some like, Michelin star restaurant, or some fine dining experience,” ayon sa food blogger na si Cholrapee Asvinvichit matapos niyang ubusin ang “steak” na may kasamang gravy, mashed potatoes at salad.

Sabi pa niya, malaki ang potensyal nito bilang isang alternatibong mapagkukuhanan ng pagkain sa hinaharap.

Screenshot mula sa Thai Visa video

Loading…