Tom Cruise nagpanting ang tainga sa movie crew ng Mission Impossible 7 na nakalimot mag-social distancing

Screenshot mula sa Bombay Times video
  • Maririnig sa isang audio recording na kumalat ang galit na paninigaw ni Tom Cruise sa movie crew ng Mission Impossible 7
  • Lumabag kasi sa health protocols ang ilan sa members ng crew
  • Nakita ng aktor ang dalawang crew na magkatabi sa harap ng isang computer screen na wala pang isang metro ang distansya sa isa’t isa

Dinig na dinig sa isang kumalat na audio recording ang boses ng Hollywood superstar na si Tom Cruise na nanggagalaiti sa galit na pinagsisigawan ang movie crew ng Mission Impossible 7 dahil umano sa paglabag ng ilan sa mga ito sa COVID-19 protocols na ipinatutupad sa movie set.

Screenshot mula sa Bombay Times video

“If I see you doing it again, you’re f***ing gone. And if anyone in this crew does it, that’s it — and you too and you too. And you, don’t you ever f***ing do it again,” bahagi ng mahabang litanya ng American actor na ang galit ay nag-ugat daw sa dalawang crew na nasa harap ng isang computer screen na wala pang isang metro ang pagitan sa isa’t isa.

Walang kibo ang nasa limampung crew ng Warner Bros. Studios habang nagsesermon ang aktor na lubos umanong nabahala dahil nalagay sa alanganin ang lahat ng pinagpaguran niya para matuloy lang ang paggawa ng ika-pitong installment ng Mission Impossible franchise.

Nauna nang naantala ang shooting ng pelikula sa Italy noong nakaraang Oktubre dahil nagpositibo sa COVID-19 ang labindalawang tao sa movie set. Kaya naman nang muling matuloy ang paggawa ng pelikula sa United Kingdom, personal nang sinisigurado ni Tom Cruise na hindi na ito makararanas ng delay.

Screenshot mula sa Bombay Times video

Sa katunayan, personal pa siyang umarkila ng isang lumang cruise ship sa halagang $672,000 upang doon manatili ang lahat ng mga movie crew nang nag-shoot sila ng mga eksena sa Norway.

“Tom has taken it upon himself, along with the health and safety department, to try to force the safety precautions, with a view to keeping the film running. He does daily rounds to make sure that everything is set up appropriately, that people are behaving and working as safely as they can. He is very proactive when it comes to safety,” ayon sa isang crew member.

Screenshot mula sa Bombay Times video

Ang Mission: Impossible 7 ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa November 19, 2021.

Loading…