TRB chief inaming nasaktan matapos tawaging ‘incompetent’ ni Pang. Duterte

Imahe mula sa Facebook
  • Nasaktan umano ang hepe ng TRB dahil sa pagbatikos ni Pangulong Duterte
  • Tinawag kasing ‘incompetent’ ng Pangulo ang mga namumuno sa ahensiya
  • Gayunpaman, tiniyak ng TRB na gagawin nila ang trabaho para masolusyunan ang RFID mess

Inamin ng hepe ng Toll Regulatory Board (TRB) na nasaktan siya matapos batikusin at tawagin pang ‘incompetent’ ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ‘kapalpakan’ sa pagpapatupad ng cashless toll system.

Subalit iginiit ni TRB executive director Abraham Sales na gagawin pa rin nila ang kanilang trabaho para maayos ang problema sa RFID system.

TRB Exec. Dir. Abraham Sales| Imahe mula sa PNA

“Aayusin po ang mga problema kahit may mga ganyan nga pong nakakarating sa atin. Nakakasakit sa damdamin po natin. Ang pinagtutuuan natin ay trabaho para solusyunan ang problema,” ani Sales sa panayam ng Teleradyo nitong Huwebes.

Wika pa ni Sales, kung mayroon man silang pagkukulang, humihingi umano sila ng pasensiya dahil sa limitasyon ng kanilang opisina.

“Ginagawa naman ng operator ang obilgasyon na ayusin po iyan,” paliwanag ng opisyal. “Ang importante po na may maibigay kaming kasolusyunan.”

Pag-uusapan din umano nil ani Transportation Secretary Art Tugade kung kailangan na nga silang magbitiw sa puwesto at didesisyunan nila ito sa tamang panahon. Bukas rin daw sila sa balak ni Duterte na palitan ng isang militar ang namumuno sa TRB.

Kinastigo ni Duterte ang TRB sa kaniyang public address noong Miyerkules at tinawag na ‘incompetent’ ang mga taong nagpapatakbo ng ahensiya.

Imahe mula sa Business Mirror

“Ang problema ang regulator is another set of incompetent people, they should not have allowed a system right now to put into use without a trial for about 1 week and anticipate what could be the problem,” wika ng Pangulo.

Binalaan din ng presidente ang TRB officials na ayusin ang problema at kung hindi magawa ay magbitiw na lamang ang mga ito sa puwesto dahil kung hindi ay sisibakin niya umano sila.

Maging si Senador Grace Poe ay kinalampag din ang TRB na magaling lang daw sa dalawang bagay – ang magkolekta ng fees at magtaas ang toll rates.

Ang masaklap lang daw dito ay ito na nga lang ang ginagawa ng ahensiya ay hindi pa magawa nang maayos, ayon sa senador.

Loading…