Tricycle na “bahay-kubo” ang tema nagdulot ng saya

  • Pinag-usapan ng mga netizens ang larawan ng isang tricycle na may disenyong bahay-kubo
  • Kadalasan itong makikita sa Pangasinan, Batanes at Puerto Princesa sa Palawan
  • Tinawag itong “bahay-kubo tricycle” habang ang iba naman ay “motorkubo”

Tinatawag na pambansang bahay ng Pilipinas ang “bahay-kubo” o nipa hut sa Ingles, at isa sa mga pinakasikat na sasakyang pantransportasyon ang tricycle. Paano kung pinagsama ang dalawang ito? Cool ba?

Iyan ang makikita sa Facebook page na “Batang Pinoy-Ngayon at Noon” kung saan makikita ang isang larawan ng tricycle na ginawang bahay-kubo ang tema. Hindi naman natukoy kung saang lugar ito matatagpuan, at kung sino ang may-ari nito, subalit nagdulot ito ng saya.

Imahe mula sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon / Public Domain Image

“Alam ko na ang tawag diyan: motorkubo! Ang cool!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Very creative ang pagkakagawa niyan. Baka ang driver niyan ay tinatawag na NPA o No Permanent Address) puwede kahit saan ka tumira.”

” I love it, I can live here with no home mortgages, no fire insurance, no flood insurance. Kahit saan ka pa magpunta kasi may gulong na. Very cool!” wika naman ng isa.

Saad naman ng isa, “May sasakyan ka na, may bahay ka pa. Two in one. For sure, hindi na maaakyatan ng akyat-bahay iyan. Saka makakaalis pa sa isang lugar.”

Sa Maynila, madalang na makakita ng ganitong uri ng sasakyan. Subalit ayon sa pananaliksik ng mga netizens, makakakita ng ganitong mga uri ng tricycle na ito sa isang resort sa Bolinao, Pangasinan.

Public Domain Image

Maaari ding makakita nito sa Puerto Princesa, Palawan at sa Batanes. Talagang makikita ang pagiging malikhain ng mga Pilipino dito, at talaga namang nakapagdudulot ng magandang vibes ang disenyo ng mga tricycle na ito, ngunit may mga negatibong komento pa rin ang mga netizens hinggil dito, Ang mga pundasyon daw nito ay mas mahina at hindi balanse. Hindi rin daw magiging komportable ang sinomang pasaherong sasakay rito.

Ikaw, handa ka bang sumakay sa “bahay-kubo tricycle” o tinatawag ding “motorkubo?”

Loading…