“True love o scam?” Netizen pinagbabayad muna bago makuha ang package mula sa lover

  • Idinulog ng isang netizen ang problema ng kaniyang ate
  • Tungkol ito sa isang package na ipindala umano ng kaniyang Canadian lover na nakilala niya sa dating app
  • Pinagbabayad umano siya ng halagang 40, 000 piso upang makuha ito, ayon sa cargo company

Sa panahon ngayon na uso na ang mga dating apps, mas nagiging madali na ang paghahanap ng “true love” o makakarelasyon, saan mang panig ng daigdig. Kaya lang, kailangan lamang ang ibayong pag-iingat upang hindi maoko ng mga mapagsamantalang tao.

Kaya naman, isang netizen ang dumulog sa Facebook page na “CFO Peso Sense” kung saan tinanong niya kung mukhang totoo ba o “love scam” ang pinagdaraanan ng kaniyang ate, upang habang maaga pa ay maabisuhan na kaagad ito.

Public Domain Image

Ayon sa salaysay ng netizen na gumamit ng dummy account lang po, nakilala ng kaniyang ate ang isang Canadian sa isang online dating app. Matapos ang ilang mga pag-uusap at pagkakamabutihan, pinadalhan daw ang kaniyang ate ng gadgets at pera, subalit ang idineklara lang niya umano sa package ay gadgets at photo albums lamang.

“Pagdating po dito sa Pilipinas na-detect po sa scanner ng Express Cargo Company na may pera pong nakalagay at nag-email po yung company sa ate ko ng tracking number at mga charges worth of 40, 000 pesos bago makuha ang padala. Yung Canadian po kasi raw ay nasa barko at hindi masyado nakakausap ni Ate ko dahi mahina ang signal sa dagat,” aniya.

“Any advice po kung anong dapat gawin dito? May ibinigay pong tracking number yung foreigner at na-track naman po namin sa cargo company dito sa Pilipinas. Salamat po sa sasagot,” dagdag pa niya.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens.

“Scam bigtime po ‘yan… may kakilala po ako ganyan nangyari… parehong-pareho ang set-up, malaking pera ang nakuha sa kanya dahil nga naman mababawi naman daw kapag nakuha na iyong pinadala, ending walang package na dumating,” saad ng isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “Kayo po, take the risk. Pero walang sisihan, ha? Kasi may pamangkin ako na totoo naman, nagpapadala sa kaniya ng laptop, pera, at gadgets, pero walang ganiyang kadramahan na may kailangan pang bayaran ek-ek.”

“Naku love scam ‘yan… Huwag kayong papadala sa mga ganyan imbes na kayo ang makatanggap kayo pa ang mawawalan,” wika naman ng isa.

Tandaan, sa anomang package na ipapadala, lokal man o internasyunal, hindi na kailangan pang magbayad ang makatatanggap nito, dahil bayad na ito ng mismong nagpadala, kung tunay nga ang pagpapadala.

Samantala, wala namang update kung ano na ang ginawa ng kaniyang ate sa concern na ito.

Source :

Facebook

Loading…