Unang araw ng cashless system sa tollways nagresulta sa grabeng trapik sa NLEX

Screenshot mula sa GMA video
  • Grabeng trapik ang naging resulta ng unang araw ng implementasyon ng cashless system sa NLEX
  • Umabot ng halos walong oras ang ginugol ng maraming motorista na naipit sa trapiko
  • Tinawag ng TRB na ‘birth pains” ang naranasan dahil sa bagong sistemang ipinatupad

Nagresulta sa grabeng trapik sa North Luzon Expressway (NLEX) ang unang araw ng pagpapatupad ng cashless transactions sa mga expressways noong Lunes, December 1. Umabot ng halos walong oras ang ginugol ng maraming motorista sa naturang expressway.

Screenshot mula sa UNTV video

Tinawag ng Toll Regulatory Board (TRB) na “birth pains” ang naranasang pagbagal ng trapiko sa NLEX dahil sa bagong sistemang ipinatupad, na ang layunin ay mabawasan ang close contact sa pagitan ng motorista at tollway teller para maiwasan ang transmission ng COVID-19.

“Any new system, new procedure that you introduce, initially nagkakaroon ng tinatawag na some birth pains. Usual po, basta first working day of the week, peak travel po ‘yan, Manila-bound whether coming from the north or from the south,” sabi ni TRB spokesman Julius Corpuz.

Nakadagdag pa sa matinding trapik ang long weekend kung saan maraming mamamayan ang nagsipuntahan sa mga probinsya at sabay-sabay na nagsibalikan noong Lunes; gayundin ang mahabang pila ng mga sasakyan na magpapakabit ng RFID tag.

Ayon sa isang traffic enforcer, nakadagdag pa sa problema ang faulty RFID sticker reader.

Screenshot mula sa GMA video

“Minsan may mabagal magbasa, minsan nag-e-error, hindi binabasa ‘yung RFID,” aniya.

Natugunan na raw ang mga problema sa RFID reader, sabi ng TRB spokesman.

“Number one, tinaas po nila ang reading range to 10 meters. Number two, naglagay sila ng tinatawag na device na puwede ninyong i-tap ‘yung inyong card nang sa gano’n, mabasa. Hindi na ninyo kailangan pang umatras. Number three, meron po dapat RFID assistance personnel na may hawak na handheld reader para mabasa ‘yung sticker ninyo,” ayon kay Corpuz.

Marami rin umanong motorista na mayroon ngang RFID tag, subalit nakalimuta namang mag-top up ng load.

Screenshot mula sa GMA video
Source :

GMA Network, UNTV

Loading…