US gov’t kinumpirmang na-hack ang Treasury Dep’t, 1 pang ahensiya gamit ang Microsoft 365

Imahe mula sa CSO Online
  • Kinumpirm ng US gov’t ang cyberattack laban sa dalawang ahensiya ng kanilang pamahalaan
  • Matagal na umanong mino-monitor ng hackers ang email traffic ng dalawang ahensiya
  • Pinaniniwalaang isang foreign government ang nasa likod nito

Kinumpirma ng pamahalaan ng Estados Unidos na napasok ng hackers ang dalawang ahensiya ng gobyerno sa cyberattack na pinaniniwalaang state-sponsored.

Base sa ulat ng Reuters, kung saan unang lumabas ang balita, matagal nang mino-monitor ang internal email traffic ng US Treasury Department at ng  National Telecommunications and Information Administration (NTIA); isang ahensiya sa ilalim ng Department of Commerce na responsable sa paggawa ng internet at telecommunications policy.

Imahe mula sa The Balance

“The United States government is aware of these reports and we are taking all necessary steps to identify and remedy any possible issues related to this situation,” ayon sa pahayag ni John Ullyot, tagapagsalita ng National Security Council (NSC).

Gamit umano ang Microsoft Office 365 office software ng NTIA, ilang buwan nang minamanman ng mga hackers ang email ng dalawang ahensiya.

Kinumpirma rin ng Department of Commerce ang naturang pangyayari.

“We can confirm there has been a breach in one of our bureaus. We have asked CISA and the FBI to investigate, and we cannot comment further at this time,” pag-amin ng tagapagsalita ng departamento sa panayam ng NBC news.

Imahe mula sa Facebook

Samantala, sa hiwalay na ulat ng Washington Post, iniuugnay ang hacking sa isang grupo na nagtatrabaho para sa Russian foreign intelligence service.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang nasabing grupo, na kilala sa tawag na APT29 o Cozy Bear, at pinaniniwalaang nasa likod rin ng naunang cyberattack laban sa State Department, Joint Chiefs of Staff at White House networks sa administrasyon ni Barack Obama.

Kaugnay nito, tumangging maglabas ng pahayag ang Microsoft tungkol sa pagkakadawit ng kanilang platform.

Maging ang FBI ay tikom pa rin ang bibig para kumpirmahin o itanggi ang naturang insidente

Loading…