Utos ni PNP chief Sinas: Hulihin ang mga partygoers ngayong Christmas season

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Huhulihin na ang mga partygoers kahit Pasko at Bagong taon
  • Naglabas ng direktiba si PNP chief Sinas na darakpin ang sinumang magpapa-party at dadalo sa mga ito ngayong holiday season
  • Ang direktiba ay batay raw sa guidelines ng IATF

Naglabas ng direktiba si Philippine National Police (PNP) chief Major General Debold Sinas na dakpin ang lahat ng magpapa-party at dadalo sa mga ito ngayong Christmas season.

Imahe mula sa News5

“Yes, bawal. Bawal ang party,” ang tugon ni PNP chief Sinas sa katanungan kung agad darakpin ang mga partygoers ngayong Pasko at Bagong Taon.

Ang inilabas na direktiba ay ibinatay niya umano sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na hindi pinahihintulutan ang mga party ngayong holiday season na posibleng pagsimulan ng muling pagkalat ng COVID-19.

Nilinaw ni Maj. Gen. Sinas na bagama’t maituturing din na isang party ang dinner, ito ay exempted sa mga ipinagbabawal basta sinusunod ang mga health protocols.

“We issued the directive based on the IATF that no parties should be there but ‘di naman pinagbabawalan ‘yung dinner. Ang dinner is party din, eh but you have to observe ‘yung required naman,” aniya.

Imahe mula sa PNA

Nauna nang pinagbawalan ng PNP chief ang buong hanay ng kapulisan na magsagawa ng mga Christmas parties dahil hindi hinihikayat ng national government ang anumang selebrasyon ngayong kapaskuhan.

Sinabi rin ni Sinas na ang mga simpleng paglabag sa health protocols tulad ng hindi tamang pagsusuot o kaya ay walang suot na face mask at face shield ay hindi na huhulihin.

Imahe mula sa Facebook account ni Atty. Larry Gadon

“Nagbigay na po ako ng instructions na hindi na po arestuhin, kausapin lang at kung may makita i-correct na lang. Kung walang mask bigyan ng mask, kung walang shield bigyan ng shield,” aniya.

Sabi pa ng PNP Chief, ang karamihan naman ay sumusunod sa mga health protocols na itinakda ng pamahalaan.

Loading…