Valenzuela City Mayor Gatchalian, nanggalaiti sa ‘pa-victim’ na pahayag ng NLEX

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Mayor Rex Gatchalian nanggalaiti sa liham ng NLEX hinggil sa hiling nitong alisin ang suspensyon ng kanilang operasyon sa Valenzuela City
  • Pinalalabas umano ng kumpanya na ito ang biktima at tagapagtanggol ng interes ng mga motorista gayong ito ang nambiktima at nagsawalang-bahala sa mga customers nito
  • Sinuspinde ni Mayor Gatchalian ang business permit ng NLEX sa Valenzuela City at hindi ito maaaring maningil ng toll fee sa mga toll plaza sa siyudad

Nanggagalaiting tinuligsa ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa diumano ay ‘pa-victim’ na pahayag nito hinggil sa suspensyon ng kanilang business permit.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Matatandaang sinuspinde ng alkalde ang business permit ng tollway operator noong Lunes, December 7, dahil sa palpak nitong pagpapatupad ng RFID cashless collection system na nagdulot ng grabeng pagsisikip ng trapiko sa Valenzuela City.

Pansamantalang hindi pinapayagan ang NLEX na maningil ng toll fee sa mga toll plaza na nasa teritoryo ng siyudad.

May pagkayamot na sinabi ng alkalde sa isang Twitter post na pinalalabas pa ng kumpanya na ito ang biktima at tagapagtanggol ng interes ng mga motorista gayong ito ang nambiktima at nagsawalang-bahala sa mga customers nito.

“Do not pretend that you are the victim or the public interest defender here! Precisely we got to this point because you victimized and took for granted your customers!” tweet ng mayor.

Tweet pa niya, huwag daw silang baligtarin para palabasing ang city government pa ang agresibo.

Imahe mula sa Valenzuela City government

“Don’t turn the table to make others look like the aggressor. The LGU had to step in to protect the riding public from your incompetence,” sabi pa niya.

Tinawag ni Mayor Gatchalian na literal na ‘highway robbery’ ang ginagawa ng NLEX operator.

“This Highway Robbery Scheme has to stop, you do not take our money from our pockets in broad day light only to not deliver safe, reliable and efficient toll services,” bahagi pa ng tweet ng alkalde.

Nag-ugat ang litanya ni Mayor Gatchalian sa liham na ipinadala sa kanya ni Manila North Tollways Corp. (MNTC) president Luigi Bautista na may lakas pa raw ng loob na magsabing para sa “protection of public interest” ang hiling nito na alisin na ang suspensyon ng operasyon nila sa Valenzuela City.

Imahe mula sa tweet ni Mayor Rex Gatchalian

Sabi ng alkalde, hindi malulutas ang malaking problema sa pamamagitan ng isang liham na kalahating pahina ang haba. Konkretong aksyon ang hinihiling ng alkalde.

Source :

ABS-CBN, Twitter

Loading…