Trending: Vice Ganda kinaaliwan, nagpasaya bilang service crew ng isang fastfood restaurant

Screenshot mula sa YT video
  • Nagsilbi bilang service crew si Vice Ganda sa isang fastfood restaurant sa loob ng isang araw
  • Ibinahagi ng komedyante ang kaniyang naging karanasan sa kaniyang pinakahuling vlog
  • At siyempre, puno ng tawanan at kulitan ang naging pakikisalamuha ni Vice sa mga customer at staff

Pinasaya ni Vice Ganda ang mga customer at staff ng isang fastfood restaurant sa Pasig City kamakailan.

Sa kaniyang pinakahuling vlog sa You Tube, ibinahagi ni Vice ang video ng kaniyang naging karanasan bilang service crew ng Mang Inasal sa Ligaya branch sa Pasig.

Screenshot mula sa YT video

Iba’t-ibang papel ang ginampanan ng ‘Unkabogable Star’, mula sa pagti-take ng order hanggang sa pagbibigay ng unli-rice sa mga napasayang customer.

“First time ko dito. Dito ako dinala sa pinaka-busy na bahagi ng store – ang take-out counter. Dahil usong-uso daw ang take-out ngayon. Sobrang dami daw ng nagtitake-out, so para ma-haggard ako sa take-out nila ako dinala,” wika ni vice sa pagsisimula ng kaniyang ‘trabaho’.

Masaya din at puno ng tawanan siyempre ang ginawang pakikisalamuha ni Vice sa mga kumakain at bumibili ng order. Kabilang na rito ang isang lalaki na nagkataong kapangalan pa ng tatay ng komedyante kaya masuwerteng nabigyan ng voucher na nagkakahalaga ng P300.

Screenshot mula sa YT video

Mas lalong kinakiligan at kinatuwaan ng mga tao ang biglang pagsulpot ng karelasyon ni Vice na si Ion Perez. Patok kasi sa mga customer ang batuhan nila ng jokes habang um0-order si Ion ng pagkain.

Sa huling bahagi ng video ay binisita ng ‘It’s Showtime’ host ang kitchen kung saan niluluto ang mga pagkain kabilang na ang masarap at ‘signature’ na manok ng Mang Inasal.

Pinasalamatan ni Vice ang staff ng Mang Inasal dahil kaniyang karanasan at natutunan mula sa pagtatrabaho bilang service ng isang fastfood restaurant.

Screenshot mula sa YT video

“Nag-enjoy ako dito, mayroon akong bagong natutunan, mayroon akong bagong naranasan. Happy ako dahil kayo ang mga nakasama ko today,” anang comedian-host.

Tiniyak din ni Vice na sumailalim sila ni Ion sa swab test sampu ng kaniyang staff bago sumabak sa kanilang ‘trabaho’.

Panoorin ang kuwelang karanasan ni Vice bilang service crew:

Loading…