Vice Ganda may planong magkaanak, ayon kay Ogie Diaz

Image by Vice Ganda via Instagram
  • Vice Ganda positibo ang tugon sa paghihimok ni Ogie Diaz na magkaanak na siya
  • Ogie kay Vice: Ikalat natin ‘yung lahi mo
  • Humingi naman ng paumanhin si Ogie kay Vice sa pagbubunyag nito sa plano ni Vice sa kanyang vlog, na-excite lamang daw siya

Masasabing isa si Vice Ganda sa mga pinakamatagumpay na artista sa Pilipinas, napakarami na niyang kinita sa mga online at TV shows, endorsements, movies at iba pa. Nariyan pa ang masayang love life kasama si Ion Perez. Sa gitna nito, may mga nagsasabing parang may kulang pa rin — ang pagkakaroon niya ng anak.

Image by Vice Ganda via Instagram

Sa isang vlog ay nasabi ng showbiz reporter na si Ogie Diaz na hinihimok daw niya si Vice na magkaroon na ng anak through artificial insemination para maikalat ang lahi nito, at mukhang positibo naman ang tugon dito ng Unkabogable Star.

Ani Ogie, “Syempre may kakilala akong doktor na ganon kaya hinihimok ko si Vice, kasi sabi ko mag-ano ka, ikalat natin ‘yung lahi mo. Si Vice kasi matalino, grabe ‘yung sense of humor, ‘di ba, mag-extend man lang ‘yun, [sa pamamagitan ng] kanyang anak. Sabi sa’kin ni Vice sige, sabi niya, sige, karirin natin ‘yan.”

Pagpapatuloy nito, excited na raw siya para sa kaibigan at sinabing nakahanda siyang samahan si Vice sa doktor dahil may kakilala raw siyang gumagawa nito – ‘yung ima-match ang egg cell sa sperm cell ng It’s Showtime host.

“Pasensya ka na Vice, na-excite lang ako for you,” ang paghingi ng paumanhin ng reporter sa pagbubunyag nito.

Image by Vice Ganda via Instagram

Matatandaang sa kanyang naunang pahayag ay nabanggit ni Vice na hindi pa siya handang magkaanak yamang ayaw niyang maranasan ng magiging anak ang kalupitan ng mundo.

Aniya noon, “Ayoko kasi talagang i-expose ‘yung magiging anak ko sa cruelty ng mundo. Sa’kin kaya ko ‘yun. Kasi puwede kong sabihing handa na’ko kasi napagdaanan ko na ‘yan. Kinaya ko na ‘yan. Pero ‘yung bata, hindi ko lubos maisip ‘yung hirap ng magiging anak ko ‘pag sinalbahe nung mga salbahe.”

Panoorin ang vlog ni Ogie Diaz; ang usapan patungkol kay Vice ay nasa parteng 6:15 ng video:

Loading…