Video ng mga anak ni Manny Pacquiao na salu-salong kumain sa restaurant, nag-trending

Image capture from video by CELEBRITY STORY via YouTube
  • Mga anak ni Sen. Manny Pacquiao, masayang kumain sa isang restaurant
  • Puring-puri sila ng mga netizens dahil sa kanilang humility sa gitna ng kayamanan
  • Sabi ng isang netizen: “Hindi gaya ng iba na wala na ngang pera pero astang mayaman”

Tanyag sa larangan ng boksing ang kanilang amang si Sen. Manny Pacquiao, at isa rin ang kanilang pamilya sa pinakamayaman sa Pilipinas. Pero ang mga anak ng Senador ay game kumain sa restaurant. Ang video na kuha mula sa pangyayaring ito, nag-trending sa social media.

Mapapanood sa video na ibinahagi ng CELEBRITY STORY sa YouTube ang mga magkakapatid na Jimuel, Michael, Mary at Queen habang masayang pinagsasaluhan ang mga masasarap na putahe sa restaurant. Kasama rin nila ang kanilang mga pinsan nang oras na iyon.

Nabanggit rito na kuha ang video makaraan ang selebrasyon para sa ika-42 kaarawan ni Sen. Manny na ipinagdiwang sa kanyang hometown, General Santos City, noong December 17, 2020.

Habang ibinabahagi ito ay nakalikom na ng higit 97,000 views ang video at punong-puno ng papuri mula sa mga netizen.

Anang isa, “Wow ang saya saya nila, Merry Christmas. Buti pa nga sila, may pera sila hindi maarte. Hindi gaya ng iba na wala na ngang pera pero astang mayaman. Pero sila, humble lang sila. Wow. God bless you.”

Komento pa ng iba, “May maayos at mabubuting magulang na nakasubaybay sa kanila kahit na ubod pa sila ng yaman. Super down to Earth. Galing ni idol Manny and Jinkee Pacquiao.”

VIDEO: Manny Pacquiao Dares Kids to ‘Ginamos’ (Bagoong) Challenge

Nauna rito, Abril ngayong taon nang ibahagi ni Jinkee ang bidyo habang tinuturuan ng Pambansang Kamao ang kanyang anak na kumain ng “ginamos” (bagoong) kasabay ang pagkukuwento na ito ang kinakain nila noong mahirap pa ang kanilang pamumuhay.

Photo credit: Jinkee and Manny Pacquiao

Sabi pa ni Manny, kahit ngayon ay masaya siya sa pagkain ng saging na isinawsaw sa ginamos. Mabubuhay umano siya rito kahit na walang kanin.

Aniya, matagal na panahon umano siyang namuhay sa kahirapan at kumakain ng ginamos, at gusto pa rin niya ang kumain nito. Ito’y sa kabila ng kanilang yaman ngayon.

Loading…